^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kulang sa silya ang 3-milyong students

-

MARAMING kulang sa mga pampublikong eskuwelahan sa buong bansa. Lagi namang ganito. Sa kabila na malaki ang nakalaang pondo para sa kagawaran ng edukasyon, hindi mawala ang problema na maraming kulang. At walang ibang apektado sa kakulangan kundi ang mga estudyante mismo. Paano sila makapag-aaral na mabuti kung maraming kulang sa kanilang eskuwelahan?

Isa sa kakulangan sa mga pampublikong eskuwe­lahan ay mga silya. Nakadidismayang malaman na maski pala sa silya ay malaki ang kakulangan. Ayon sa report ng Department of Education (DepEd), tatlong milyong estudyante sa mga pampublikong eskuwelahan ang walang silya. Imadyinin kung gaano kahirap ang sitwasyon ng mga estudyante kung wala silang silya. Tiyak na ang ilan ay nakatayo sa loob ng isang oras o maaaring nakasalampak sa malamig na semento. Kawawang mga estudyante na pinag­kaitan na nga ng mga mahuhusay na guro (nag­si­sipag-abroad na kasi), kakulangan sa libro at iba pang gamit ay pati pala silya ay pinagkaitan na rin?

Ayon kay DepEd Sec. Jesli Lapus, kahit na raw magkaroon ng increase para sa kanyang kagawaran sa susunod na taon, hindi pa rin ito magiging sapat sapagkat masyadong maraming silya ang kulang.

Katawa-tawa ang nangyayaring kontrobersiya sa DepEd sa kasalukuyan sapagkat ang lagi nang reklamo ng mga magulang at estudyante tuwing umpisa ng school year ay ang kakulangan ng mga classroom. May nagkaklase sa ilalim ng punong­kahoy.

Ngayon ay iba na sapagkat ang kakulangan sa silya ang nirereklamo at tila naman mabagal sa pagkilos ang DepEd ukol dito. Hindi naman marahil lubhang mahirap solusyunan ang problemang ito na hindi katulad ng kakulangan ng mga classrooms.

Makakaya ng DepEd ang problemang ito sa­ pagkat hindi naman gaanong mahirap. At maski nga ang DepEd ay laging sinasabi na isusulong pa nila ang bilyong pisong CyberEducation project. Hindi pa rin daw lubos na nawawala sa isipan na ma­ipursige ang CyberEd na magiging daan para maging computer literate ang mga bata. Pero hindi ba’t ang magandang gawin ay solusyunan muna ang mga nararanasang problema ngayon, lalo na ang kakulangan sa silya.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

IMADYININ

JESLI LAPUS

KAKULANGAN

SHY

SILYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with