^

PSN Opinyon

Llamado si Villar!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Sa mga ikinukonsiderang presidentiables para sa 2010 elections at sa limang pangunahing lider sa bansa today, kapansin-pansin na tanging si Senate President Manny Villar lamang ang maituturing consistent sa pag-angat ng rating sa mga survey this year.

Sa pinakabagong survey ng Social Weather Station, nakapagtala si Villar ng pinakamataas na 52 percent net approval rating sa top five government officials ng Philippines my Philippines.  

Sa survey naman ng mga presidentiables ng SWS last July, dikit ang labanan nina Villar (22 percent) at kaibigan nitong si vice presidente Noli De Castro (26 percent).

Sabi nga, pukpukan! 

Maging survey ng Pulse Asia sa presidentiables, halos lahat ay nalaglag tanging si Villar lamang ang tumaas ng 12 percent mula sa dating 9 percent rating.

Mismong si dating Speaker Jose de Venecia ay nagpahayag na si Villar ang nais niyang maging standard bearer sa gusto niyang buuin na koalisyon ng Lakas, NP ni Villar at NPC ni business tycoon Eduardo “Danding” Cojuangco.

Ang pagtaas kaya ng rating ni Villar ay nanga­nga­hulugan na napapansin ng madlang people of the Republic of the Philippines ang mga pamamalakad niya bi­lang lider ng Senado, ang pagtulong niya sa mga OFW’s, ang pagtugon niya sa mga nangangailangan ng tulong sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad, ang pagsuporta niya sa mga maliliit na negosyante at pagsuporta sa mga manlalaro ng paborito niyang sport ang villard este mali billiard pala.

Tulad ng kanyang survey, nanatiling consistent ang rating ng Senado sa mga survey ng limang pangunahing ahensiya ng pamahalaan.

Sa ilalim ng kanyang liderato nagkapagtala ng mga record breaking na naipasang panukalang batas ang ating bida sa Senate habang patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Ilan na nga ba ang mga nagipit na OFWs sa Middle East ang kanyang tinulungang makabalik ng bansa?

Ang pinakahuli ay ang limang domestic helpers mula sa Jordan. Bukod pa rito ang mga kapamilya ng mga mi­gran­teng Pinoy na tumatawag sa itinatag niyang hotlines para sa mga OFWs.

Kamakailan din ay pinarangalan ni Villar ang mga katulad niyang maliliit na negosyanteng nagsisikap na umasenso at makapagbigay ng trabaho sa ilalim ng kanyang PONDO sa SIPAG, PUHUNAN sa TIYAGA program. 

Isa si Villar sa mga naunang nag-give ng sa madlang people sa Panay region na grabeng sinalanta ng bagyong Frank.

Maging sa mga residente ng maliit na lalawigan ng Romblon na pinerwisyo ng pagtaob ng barko ng Sulpicio Lines at hindi nya pinabayaan.

Kung tutuusin, hindi pinapansin ng ibang pulitiko ang Romblon dahil katwiran nila ay kakaunti lang ang botante rito para pag-aksayahan nila ng panahon at atensyon. Pero hindi si Villar na walang pinipiling lugar na nais tulungan. 

Sa ngayon ay wala pang direktang pagkumpirma si Villar sa kanyang plano sa 2010 elections. Ngunit kung magpapatuloy si Villar sa kanyang ginagawa ngayon, hindi nakapagtataka na habang papalapit ang panguluhang halalan ay ikonsiderang siya ang man to beat sa listahan ng mga aspirante.

Aminado si de Venecia, Chairman Emeritus ng Lakas at si Senator Migz Zubiri, Lakas Secretary General na madami sa kanilang members ang boto sa ating bida.

Kuento ni tenga este mali de Venecia pala marami daw sa mga taga-Lakas ang bilib sa story ni Villar na dating mahirap na yumaman este umasenso pala.

‘Manalo kaya si Villar sa election ?’ tanong ng kuwagong nadaya.

‘Sa palagay ko’ sagot ng kuwagong taga - Comelec.

‘Hindi ba muntik na siyang mapatalsik sa puesto ng mag- sauna este mali SONA pala si Prez Gloria sa Kamara’ sabi ng kuwagong flying voter.

‘Gawa-gawa lang nila ang kuento para pagusapan.’

‘Ano sa palagay mo tiyak ba ang panalo ni Villar sa election?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Kamote, iyan ang abangan mo!’

CHAIRMAN EMERITUS

LAKAS

LAKAS SECRETARY GENERAL

MIDDLE EAST

NOLI DE CASTRO

PREZ GLORIA

VENECIA

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with