^

PSN Opinyon

Kapakanan ng mga OFW sa Saudi, isusulong ni Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay makikipagpulong kay Saudi Arabia ambassador to the Philippines Mohammed Ameen Wali upang talakayin ang kanyang mungkahing “bilateral labor agreement” ng dalawang bansa. Tatalakayin din ang kanyang pagbisita sa mga problemado at nakakulong na mga Pilipino sa Saudi sa darating na Setyembre.

Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay bibisita sa Riyadh, capital ng Saudi, at sa Jeddah na tinatawag namang “commercial capital” ng nasabing bansa. Ang Riyadh at Jeddah ang dalawang pinakaimportanteng siyudad sa Saudi.

Ayon kay Jinggoy, ang bilateral labor agreement ang pinakamabisang mekanismo para matiyak ang proteksyon at kapakanan ng OFWs sa Saudi. Ang naturang kasunduan ang magsisilbing gabay at patakaran sa pagtrato ng mga Saudi employer at kanilang pamahalaan sa mga Pilipinong magtatrabaho roon.

Nais din ni Jinggoy na bisitahin at kumustahin ang mga distressed na Pinoy o nagkaproblema sa Saudi gayundin ang mga nakakulong sa Al-Hair, pinakamalaking piitan na  nasa Riyadh, gayundin ang iba pang piitan doon.

Sa naturang pagbisita, titiyakin ni Jinggoy na maayos na tinatrato ang naturang mga Pinoy, at aalamin din niya kung paano niya matutulungan ang mga ito.

Makikipagpulong din siya kay Saudi Labor Minister Ghazi Al-Gosaibi upang talakayin ang sitwasyon ng mga OFW pati na rin ang Unified Contract scheme ng Saudi na pinangangambahang magreresulta sa dagdag na gastos at tagal sa pagproseso ng deployment ng OFWs doon.

Pangunahin din ang kapakanan ng mga OFW sa gagawin namang pakikipagpulong ni Jinggoy sa mga pinuno ng naturang mga siyudad, sina Riyadh Governor Prince Salman at  Jeddah Governor Prince Mishaal ibn Majed.

Maglulunsad din si Jinggoy sa Riyadh at Jeddah ng libreng pagpapalabas ng pelikulang “Katas ng Saudi” kung saan ay katambal niya ang beteranang aktres na si Lorna Tolentino.

ANG RIYADH

JEDDAH

JINGGOY

RIYADH

SAUDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with