EDITORYAL – Kulang sa kahandaan ang mga atletang Pinoy
NAGTAPOS kahapon ang Beijing Olympics. May mga atletang abot-taynga ang ngiti sapagkat nakakuha nang maraming medalya at mayroon din namang mga atletang umuwing luhaan. At kabilang sa mga umuwing luhaan ang mga atletang Pinoy. Ni isang medalya ay walang nakuha ang Pilipinas. At maitatanong kung saan nga ba nagkulang at naging talu-talunan ang Pinoy athletes.
Ang kawalan ng natamong medalya ay palatandaan na hindi handa sa pandaigdigang kompetisyon sa sports ang Pilipinas. Ang labis namang nakapagtataka ay may mga kapitbahay na bansa ang Pilipinas na kagaya ng
Hindi handa ang mga atletang Pinoy. Kaunti na nga lang ang event na sinalihan ay hindi pa ganap na napaghandaan. Ano ang mangyayari sa atletang kulang sa kahandaan? Sa anumang larangan, ang kahandaan ang itinuturing na susi para makamit ang tagumpay.
Makabuluhan naman ang sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na dapat magkaroon ng “revolutionary changes” ang Philippine sports. Kailangan daw ng radical ideas para maitaas ang palakasang Pinoy. Pagbabago sa mga stratehiya at konsepto ang kinakailangan para maging competitive ang Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon.
Pagbabago ang dapat sa Philippine sports. Ibig ipahiwatig ni Ramirez na talagang kulang sa kahandaan ang mga atletang Pinoy. Hindi man ganap niyang tinumbok na may kahinaan ang mga atletang Pinoy kumpara sa atleta ng ibang bansa. sinabi niyang sa ibang bansa raw, gumugugol nang matagal na panahon para mapaghandaan ang pandaigdigang Olympic. Halimbawa raw ay ang US swimmer na si Phelps na sa edad na 2 ay nagsasanay na sa paglangoy. Minimum na walong taon ang ginagawang pagsasanay para masigurong makapagbibigay ng karangalan sa bansa ang atleta.
Tama si Ramirez at yaman din lamang at siya na nagbukas ng ganitong usapin kung bakit paurong ang mga atletang Pinoy, nararapat na ngang magsagawa ng radical na pagbabago.
Simulan ang pagbabago ngayon. Ipatupad na agad ito para naman sa mga susunod na Olympics o Asian Games ay makakuha na ng medalya ang Pinoy athletes.
- Latest
- Trending