^

PSN Opinyon

MSG hindi masama anang research

- Al G. Pedroche -

KAMAKAILAN ay may pumutok na balita tungkol sa 2-anyos na bata na nahilo dahil kumain umano ng kanin na ang iniulam ay vetsin. Kinilala ang bata na si Wilfredo Labajo ng Sagay City, Negros Occidental. Aba’y ginawa naman palang ulam eh. Ang vetsin ay pantimpla lang ng ulam at hindi ulam.

Ayon sa resulta ng pag-aaral ng ilang mapananaligang institusyon, hindi naman daw masama ang monosodium gultamate (MSG) na lalung kilala sa tawag na vetsin. Ito’y taliwas sa mga naglabasang ulat kamakailan na ang sangkap na ito na inihahalo sa ating mga ulam ay masa-ma ang epekto sa katawan.

Ang mga institusyong gumawa ng pananaliksik ay ang UN Food and Agriculture Organization (FAO), World Health Organization (WHO), Joint Expert Committee on Food Additives (JECFA), European Communities Scientific Committees for Food (SCF), American Medical Asso­ciation’s Council for Scientific Affairs (AMCSA) at Fede­ration of American Societies for Experimental Biology (FASEB). Ang mga samahang ito’y kinomisyon mismo ng United States Food and Drug Association (USFAD) para tiyakin kung ligtas sa kalusugan ang vetsin.

Kumatig naman ang sarili nating Bureau of Food and Drug Administration (BFDAD) na safe gamitin sa paglu-luto ang vetsin.

Balikan natin ang batang nahilo dahil daw sa vetsin. Dahil sa pagka-liyo, nahulog daw ang bata sa hagdan at nabagok ang ulo kaya na-ospital. Walang maipaulam ang kanyang kuya kaya nilagyan ng vetsin ang kanin. Kaya hindi dapat isisi sa vetsin per-se ang pagkahilo ng bata. Kung tutuusin, kahit anong pagkain ay puwedeng maka­sama sa kalusugan kung sobra.

Mismong mga doktora na sumuri sa bata ang nagsabing hindi puwedeng isisi sa vetsin ang pagka-hilo ng bata. Posible raw   na matinding gutom ang dahilan.

Ilang dekada  nang sang­kap ng ating mga kinakain ang vetsin pero wala na­mang insidente ng tuwi-rang pagkalason sa pantim­plang ito. Pati ang mga Chinese restaurants ay guma­gamit niyan sa loob ng matagal na panahon. Kaya ang tanong ni Mang Gustin - “baka naman mga  fast food chain ang lumalason sa isip ng taumbayan para siraan ang mga kakum­pi­tensyang Chinese restos?” 

AMERICAN MEDICAL ASSO

AMERICAN SOCIETIES

DRUG ADMINISTRATION

DRUG ASSOCIATION

SHY

VETSIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with