Hindi public service ang ginagawa nina Gov. Deloso at kapatid niyang si Anggol
HABANG hindi kumikilos si Zambales Gov. Amor Deloso laban sa illegal mining ng kompanya ni Baby Bueno sa Sta. Cruz, lumalakas ang ugong sa probinsiya niya na siya ang protector ng illegal na gawain nito. Ang Bureau of Mines and Geosciences sa Region 3 ay nagpalabas na ng cease and desist order laban sa kompanya ni Bueno na presidente ng Coady International Trading Corp. subalit hindi nito pinapansin. At hindi lang si Deloso ang tinatawag ng constituents niya na protector ni Baby Bueno kundi maging ang kapatid niya na si Anggol Deloso na hepe naman ng Provincial Mining Regulatoty Board (PMRB). Magkano ba talaga ha Gov. Deloso at Boss Anggol Sirs? Bakit ayaw n’yong kumilos laban sa kompanya ni Baby Bueno na maliwanag namang pumapatay ng kalikasan at ng mining industry sa Zambales? He-he-he! Hindi public service ang ginagawa nina Governor Deloso at kapatid na si Anggol kundi bulsa service, di ba mga suki? Mahuhusgahan din si Deloso sa darating na election.
Bakit “binebeybi” ng mag-utol na Deloso si Baby Bue no? Naitanong ko ito mga suki kasi nga kahit buhul-buhol ng katiwalian ang mga umano’y transactions ni Baby Bueno aba hindi naman kumikilos ang Deloso brothers na mapatigil ang illegal n’ya. At bakit dinidedma ni Baby Bueno ang cease and desist order ng BMG sa Region 3? Maliban kaya sa magkapatid na Deloso eh me iba pang padrino si Baby Bueno? He-he-he! Huhubaran ko ng mascara ang mga taong nasa likod ni Baby Bueno mga suki?
Sa lahat ng beybi, si Ba-by Bueno ang nakakatakot. Kaya natatakot ang taga-Zambales dahil baka sa kahuhukay niya ng minahan sa Sta. Cruz, aba baka sila ang mailibing nang buhay sa hukay. At para maiwaglit sa isipan ng taga-Zambales na ang magkapatid na Deloso ang protector ni Baby Bue no, dapat sigurong kumilos sila para ipa-implement ang cease and desist order ng BMG sa Region 3, di ba mga suki? Abangan!
- Latest
- Trending