^

PSN Opinyon

‘Fishing expedition’

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng bankong MBTC. Noong Mayo at Hunyo 1997, nagpahiram ng pera ang MBTC sa GEC Co. Apat na foreign loans na sakop ng apat na kontrata (promissory notes) ang sangkot. Ang kabuuang halaga ng utang ay $2,040,000 at gagamitin itong kapital sa operasyon ng kompanya. Upang magarantiya ang utang sa dalawang naunang kontrata na nagkakahalaga ng $760,000, itinalaga ng GEC sa banko ang magiging kita nito sa Back-end Services Agreement sa ASC Co. 

Hindi nakabayad ang GEC. Noong Enero 31, 2000. umabot na sa $1,975,835.58 ang utang nito kaya noong Pebrero 21, 2000 nagsampa na ng kaso ang MBTC sa korte upang mabawi ang halaga. Bandang huli, pati matataas na opisyal at stockholder ng kompanya ay kinasuhan din ng MBTC.

Noong Oktubre 11, 2000, nagmosyon ang MBTC upang utusan ng korte ang GEC na ilabas ang mga dokumento nito upang mapatunayan ang impormasyong natanggap nila. Ayon kasi sa Chief Financial Officer ng ASC ay natanggap na ng GEC ang bayad sa Back-end Services Agreement. Pinagbigyan ng korte ang mosyon ng MBTC. Sumunod naman ang GEC at nagpakita ng mga invoices na may kinalaman sa billing ng kompanya. Hindi nakuntento ang MBTC. Nagmosyon muli ito na maparusahan ng “contempt” ang GEC. Hindi raw ito sumunod sa utos. Hindi man pinagbigyan ang mosyon ng MBTC, tinuring naman ng Korte na pawang katotohanan ang alegasyon ng MBTC sa nilalaman ng mga dokumentong hindi nailabas ng GEC. Tama ba ang korte?

MALI. Totoo na ayon sa batas (Rule 127 Revised Rules of Court) ay pinapayagan ang paghahanap ng ebidensiya o “fishing expedition”. Lalo at may kinalaman ito sa impormasyong alam ng magkabilang panig, maaaring hilingin sa korte na isiwalat sa kabilang partido ang ebidensiya ayon sa sumusunod na kondisyones: 1) may matibay na basehan ang mosyon para sa inspeksyon at produksyon ng dokumento, 2) ipinaalam ito sa lahat ng partido, 3) malinaw na nakasulat sa mosyon ang partikular na mga dokumentong nais na makuha ng kabilang panig, 4) hindi ito bawal malaman ng ibang tao o ang tinatawag nating “privileged information”, 5) ang nasabing mga dokumento ang mismong basehan ng kaso at 6) ang nasabing mga dokumento ay pinanghahawakan ng kabilang partido.

Sa kasong ito, kahit pa may basehan ang MBTC sa isinampang mosyon, hindi naman nilinaw kung anu-anong dokumento ang hinihingi mula sa GEC. Nanghuhuli lang ang MBTC at hindi ang partikular na dokumento kundi lahat ng dokumentong konektado sa transaksiyong nabanggit ang hinihingi. Masyado itong malawak at malabo kung anong dokumento talaga ang kailangan sa kompanya.

Hindi naman masasabing hindi sumunod ang GEC. Nagsumite ito ng mga dokumento. Maliban na lamang kung mapatunayang talagang naglihim at nagtago ng papeles ang kompanya ay saka pa lamang ito maaaring parusahan ng korte. Inabuso ng korte ang kapangyarihan nito nang kampihan nito at ideklarang may sapat na basehan ang MBTC kahit pa wala namang ebidensiyang nakuha sa GEC. (Solidbank etc. vs. Gateway Electronics et. Al., G.R. 164805, April 30, 2008).       

DOKUMENTO

GEC

KORTE

MBTC

SERVICES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with