Cancer sa cervix

ANG cancer sa cervix ay makikita sa leeg ng uterus at nag-eextend sa vagina. Ang cancer na ito ay 100 percent na maga­gamot kung mada-diagnosed nang maaaga o nasa very early stages pa.

Ang mga sintomas ng cancer sa cervix ay ang mga sumu­ sunod: Vaginal spotting o pagdurugo sa pagitan ng menstrual period; pagdurugo pagkatapos ng pakikipag­talik; masakit na pakikipagtalik; abnormal ang daloy ng regla. Sa very early stages ay walang makikitang sintomas.

Sa mga pag-aaral at imbestigasyon, nakita ang kaug­na-yan ng herpes simplex 2 o genital herpes sa cancer sa cervix. Kadalasang nagkakaroon ng cancer na ito ay ang mga kaba­baihang nasa low socioeconomic status at ang posibilidad na maaga silang naging sexually active sa buhay. Nagka­karoon din ng cancer of the cervix ang mga babaing iba’t iba ang sexual partners, maraming beses nang nanga­nak at ang mga babaing ang asawa ay hindi tuli.

Kung maagang mada-diagnosed ang cancer of the cervix, 100 percent na magagamot ito. Kapag ang cancer ay naka-confined na sa cervix, 70 percent hanggang 90 percent na makaka-survive ang pasyente limang taon pagkaraan ng treatment. Kapag ang sorrounding tissues ay na-invade na ng cancer, 40 hanggang 60 percent na makaka-survive limang taon pag­ karaan ng treatment. Kapag ang cancer ay na-invade na ang bladder at rectum, 20 percent na makasusurvive. Kung ito ay kumalat na sa lymph nodes, ang survival ay magde-decrease.

Nakahahawa ba ang cancer sa cervix? Hindi.

Dalawang modes ang therapy para sa treatment ng cancer: Una, surgical removal of cervix, uterus, fallopian tubes at ang mga nakapaligid na lymph nodes. Ang ovaries ay maaaring alisin at maaring hindi depende sa edad ng ba­bae at sa extent ng cancer.

Ikalawa, radiation theraphy. Maaring sa pamamagitan ng special x-ray machine or radioactivie implants.

Ang dalawang mode ng treatment ay reko­mendado.

Ang taunang Pap smear ang pinakama­buting dapat gawin para madetect ang  can­cer sa cervix. Ka­pag maagang na-detect, 100 percent ang pag­galing sa sakit.

Show comments