^

PSN Opinyon

Itim

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG kulay itim na Toyota Innova ang aking na­ pansin kailan lang. Wala naman pinagkaiba ito sa dami-dami ng Innova sa kalye. Maayos namang magmaneho ang drayber nito. Ang akin lang napansin hindi ko makita ang letra at numero ng kanyang plaka, dahil natatakpan ng itim na pintura. Madilim na madil­im na tint ang ginamit para hindi talaga makikita ang nakalagay sa plaka. Ang dalawang plaka ang tinak­pan. Katunayan, bumaba ako ng sasakyan para makita lang ang plaka— LRD 77, kung hindi ako nag­kakamali.

Pero ang kapansin-pansing ginamit para takpan ang plaka ay ang mga letrang PNP na tila naka­imprenta rito. Ayun, pulis pala! At ito ang pangu­nahing problema ng PNP. Paano rerespetuhin ang mga pulis, kung mismo sila ang unang lumalabag sa mga patakaran na ipinapatupad nila? Nata­tandaan ko na kinunan pa ng media ang paghuhuli sa mga sasakyan na may mga takip ang mga plaka, walang plaka o di kaya’y hindi tama ang pag-display ng plaka. Pulis pa nga ang isang nahuli, natural. Gusto nilang linisin ang imahe ng PNP, pero ganito naman ang makikita mo sa kalye. Ano na­man ang dahilan ng sasakyan para takpan nang todo ang kanyang plaka?

Pero dahil ganun din ang administrasyong ito na pinipilit ang mamamayan na sumunod sa batas pero sila naman ang unang lumalabag nito sa pamama­ gitan ng lantarang katiwalian, eh ganun na rin ang pulis. May “No Plate, No Travel Policy” ang PNP, pero sigurado ako hindi papansinin ang itim na Innova  dahil mas makikita mo kaagad ang mga letrang PNP, bago mo mapansin na may plaka pala. Eh yung may takip pa lang alam na nating bawal.

Iyan ang realidad dito sa ating bansa. Ang mga nasa poder at otoridad ay mas inaatupag pa ang mga sarili nilang kapakanan, kasikatan, kaya­bangan bago ang kanilang pangunahing tungkulin na magsilbi sa mamamayan. Kadalasan pa ay ang mga dapat nilang silbihan ang kanilang tinutulak, inaapakan, hinahawi para sa sarili nilang bene­pisyo. Maliban na lang kung nagpapapogi gaya ng mga nanghuli ng mga sasakyan sa harap ng media, o ang pagbibigay ng subsidy at tu-long sa iilan lang. Kailangan na lang lahat ng kilos ay may kapalit para mapabango at mapaganda ang pa­ ngalan, na ang totoo ay pansarili at masama ang pakay.

INNOVA

LANG

NO PLATE

NO TRAVEL POLICY

PERO

PLAKA

SHY

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with