^

PSN Opinyon

Karahasan sa Vitas slaughterhouse

- Al G. Pedroche -

NAPANOOD ng marami sa telebisyon  kung paano kalad­karing parang baboy ng mga awtoridad ang mga tauhan at opisyal ng Vitas Slaughterhouse sa Tondo, Manila ka­makailan.

Posible ngang may legal na basehan ang city government ng Maynila sa pagtake-over sa katayan pero kuwes­tyonable ang nakita nating proseso na obviously ay luma­labag sa karapatang pantao.

Tama si Manila 1st District Congressman Benjamin  Asilo sa kanyang panawagan sa Human Rights Commission na siyasatin ang kontrobersyal na insidente.

Marami ang nadismaya at nagmukhang kontabida na naman ang mga pulis na binitbit na mistulang kakataying baboy ang mga tauhan ng  Dealco Farms, Inc.  Kinansela uma­-no ng Manila City government ang kontrata ng kompanya kaya nangyari ang marahas na takeover.

Nasaan na ang tinatawag na maximum tolerance?  Of course, aasahan lang na maging emosyonal ang mga tauhan ng katayan dahil bigla na lang darating ang mga awtoridad at pinalayas sila sa lugar. Pero sa tingin ko hindi ito rason para magpatupad ng marahas na hakbang.

Nanawagan din si Asilo sa pamunuan ng PNP sa pa­mu­muno ni Director-General Avelino Razon na agad isuspinde ang mga pulis na kalahok sa marahas na takeover ng Vitas. Dapat lang ito habang isinasagawa ang isang masusing pagsisiyasat sa insidente kasama na ang forcible dispersal ng mga tauhan  sympathizers ng Dealco Farms na nagsipag­protesta sa harapan ng Manila City Hall.

Wala akong pakialam kung may legal basis ang takeover. Ang kuwestyonable ay ang karahasang ginamit ng mga tagapagpatupad ng batas na nagbigay na naman ng masa­mang imahe sa pulisya ng bansa. 

vuukle comment

ASILO

CITY HALL

DEALCO FARMS

DIRECTOR-GENERAL AVELINO RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with