^

PSN Opinyon

Galunggong...

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ANG isdang Galunggong o mackarel  ay extremely popular sa mga Pilipino. Dahil kahit sino, bata man o matanda at mahirap man o mayaman, kumakain at makikita sa hapag-kainan ang isdang ito.

Sa mga Pinoy na pangingisda ang hanapbuhay, galung­gong ang pangunahing produkto na kanilang pinag­kakakitaan dahil sa pagiging mabili nito sa mga palengke.

Subalit, natuklasan ng BITAG na may kakaibang in­dus­triyang maaaring makaapekto ng malaki sa hanap-buhay ng ating mga lokal na mangingisda.

Natuklasan ng BITAG sa Navotas Fishport Complex ang smuggling o pagpupuslit at diversion ng mga impor-ted frozen galunggong na mula sa China.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ipinagbabawal ang pagpasok sa Pinas ng mga imported na galunggong mula sa China.

Ito’y upang maprotektahan ang mga Pilipinong mangi­ngisda dahil marami sa mga kababayan natin ang umaangkat nito. Kung hahayaang pumasok sa bansa ang mga imported galunggong, saan pa dadalhin ng mga kababayan natin ang kanilang mga huling galunggong sa pangi­ngisda. Kaya naman base sa Fisheries Order # 195 ng BFAR, ipinagbabawal ang pagpasok nito sa bansa kaya lumalabas mga puslit o smuggled ang mga ito.

Nagbibigay lamang ng importation permit ang BFAR sa mga kumpanya ng sardinas o cannery. Subalit diretso dapat ito sa storage facility ng mga nagsasardinas at hindi dapat na itinitinda at inila­lako saanmang pamilihan.

Eto ang tinatawag na Diversion at sa Navotas Fishport Complex, lantaran ang bentahan at bilihan sa loob nito mismo, ng lingid sa kaalaman ng mga kina­uukulan.Ang nasa likod  nito, ilang gahamang negos­­­yante.

Sa tulong ng isa ring  ne­gosyante sa Navotas Fish­port na lumapit sa BITAG, natuklasan namin ito. Ang dahilan ng kanyang pagsu­sumbong, apekta-  do silang mga legal na nag­ ne­ne­­ gosyo ng isda.

Ang imported frozen galunggong kasi mula China, malalaki at mata­taba kumpara sa galung­gong natin dito sa Pilipinas.

Mga babaeng galung­gong ito, sabi nga ng mga negosyanteng naka-tran­saksiyon namin sa isinaga­wang surveillance-undercover  ng BITAG.

Bukod dito, higit na mas mababa ang halaga ng imported frozen galunggong kesa sa galunggong natin. Kaya naman, ayon sa ne­gos­yanteng nagrereklamo, talagang pinapatay silang mga legal na nagnenegosyo at nagbebenta ng sarili nating galunggong.

Kasama ang mga ope­ratiba ng Presidential Anti-Smuggling Group o PASG, nakulimbat ang mahigit sampung milyong pisong tone-toneladang kilo ng mga imported frozen galung-gong sa Navotas Fishport Complex at isang storage facility sa Tondo, Maynila.

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

GALUNGGONG

NAVOTAS FISHPORT COMPLEX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with