^

PSN Opinyon

‘Mapusok si binata...’

- Tony Calvento -

(Huling Bahagi)

NUNG NAKARAANG MIYERKULES nailathala ko na ang pagpatay kay Gill Salvador dahil sa maling akala.

May 3, 2008 sa pagitan ng alas tres hanggang alas kwatro ng hapon ng mangyari ang malagim na insidente sa ilog sa Wawa Dam, Brgy. San Rafael, Rodriguez Rizal.

Dalawang lalake ang lumapit kay Gill at agad siyang binatukan ng kalbong lalake sa pag-aakalang binastos ni Gill ang kasama nilang babae na anak niya.

Mabilis na nagkaroon ng tensyon at kinompronta ng mga nakakita ang bumatok kay Gill.  Pumagitna si Gill at sinabing “Gulo ko ito.  Ako ang involved.  Ako na ang bahalang tumapos nito.”

Habang nagkakagulo at patuloy ang pag-awat ni Gill ay hindi nila napansin na may kutchilyo palang hawak ang nambatok sa kanya na nakilalang si Rodolfo Francisco.

“Kitang kita ko na sinaksak ng kalbong lalake si Kuya sa kaliwang tagiliran .  Gusto kong lumapit para tulungan si Kuya pero pinigilan ako ng mga kasama ko dahil baka ako naman daw ang madamay.”kwento ni Ailene.

Isang kaibigan ang humila kay Gill papalayo sa gulo matapos itong bumagsak dahil sa pagkakasaksak. 

“Hinila ni Kuya Roderick Gonzales si kuya at nagpatulong siya na buhatin si kuya pababa ng Dam. Sinakay nila ito sa tricycle at dinala sa H-Vill Rodriguez.” dagdag ni Ailene.

Agad na tumakbo si Ailene papunta sa trabaho ng kanyang Nanay upang sabihin ang nangyari sa panganay na anak.

“Pauwi na ko ng makasalubong ko si Ailene.  Hindi ko siya makausap ng maayos dahil bukod sa hinihingal ay humahagulgol ito ng iyak.  Malakas ang kabog ng aking dibdib dahil naramdaman ko na may masamang nangyari.  Hanggang sa binalita na sa akin ni Ailene ang nangyari kay Gill. Nanghina ako at halos himatayin matapos kong malaman ang pangyayari.” kwento ni Wilma.

Kahit na parehong kabado ay agad nilang pinuntahan si Gill sa H-Vill Rodriguez.  Umaasang madadatnan pang may buhay si Gill.

“Huli na ang lahat ng madatnan namin siya sa Ospital.  Isang saksak lang ang tinamo niya pero siniguradong patay siya dahil tagos ito hangang puso. Napapikit na lang ako hindi ko maiwasang magtanong sa Diyos kung bakit ito nangyayari.  Kulang pa ba ang pasakit na ibinigay sa amin ng iniwan kami ng kanilang ama.” umiiyak na kwento ni Vilma.

Dahil sa kakulangan sa pera sa bahay lang ng kamag-anak ibinurol ang labi ni Gill.  Maraming tao ang tumulong sa mag-ina upang mairaos ng maayos ang paglibing kay Gill.

May 5, 2008 ng magfile ng kaso si Wilma sa Munisipyo ng Montalban. 

“Mariing tinatanggi ni Rodolfo ang pagsaksak niya kay Kuya.  Marunong daw siya sa martial arts kaya ng inundayan daw siya ng saksak ni Kuya ay sinalag niya ito at naibalik ang kamay ni kuya na may hawak na patalim patungo sa kanyang tiyan. Yun daw ang dahilan kung bakit nasaksak ni Kuya ang sarili niya.  Nakita ko ang lahat ng pangyayari at kasinungalingan ang sinasabi niya.” pahayag ni Ailene.

Ayon kay Wilma matapos ang pangyayari ay kinausap sila ng panig ni Rodolfo. Nakikipag-areglo ito sa halagang P20,000.00.  Hindi sila pumayag at sa ikalawang pagkakataon ay itinaas sa P50,000,00 ang areglo ngunit hindi parin pumayag ang mag-ina.

Sa pagkakataong ito ay sinabihan sila ng abogado ni Rodolfo na pagnanalo sila sa kaso ay walang matatanggap ang pamilya nila Wilma maski piso at idedemanda pa sila Wilma dahil sa abala.

Mahirap para sa magulang lalo na para sa ina ng tahanan na tanggapin na nauna pang patay na ang aming minamahal na anak.

 “Marami pang pangarap si Kuya. Ang plano niya dapat ay pag-aaralin niya ko ngayong pasukan dahil mag-uumpisa na siya sa bago niyang trabaho. Simula ng iniwan kami ni Papa siya na ang tumayong Papa ko.” kwento ni Ailene. 

“Wala na kaming magawa kundi ang umiyak.  Mahirap pero kailangan naming tanggapin ang pagkawala niya.  Ang dalawang anak ko nalang ang tanging kayamanan ko at ngayon nabawasan pa. Bakit ang anak ko pa? Bakit kami pa ang kailangan makadanas ng ganitong pagdudusa.

“Hindi namin kailangan ng pera nila. Ang kailangan namin ay hustisya sa ginawa niya sa anak ko. Hindi mapapalitan ng kahit anong halaga ang buhay ng anak ko.  Siya ang sandalan ko tuwing nanghihina na ako sa mga problema.Paano na ngayong wala na siya.” pahayag ni Wilma.

KUNG TOTOO ngang magaling ka sa martial arts gaya ng sinasabi nitong si Rodolfo, di sinsana’y nagawan mo ng paraan upang maagawan ng armas o panaksak  itong si Gill. Hindi na sana dumanak ang dugo at nalagyan ang iyong mga kamay.

Naiintindihan ko na ikaw ay “over-protective sa iyong anak. Walang masama dito subalit dapat ilagay lamang sa tama ito. Hindi sapat na reaksyon ang manakit ka ng iba dahil kinausap lamang ang iyong anak ng isang taong gusto lamang makipagkilala. Maaring nagandahan lamang si binata sa iyong anak. Walang batas na nagbabawal na makipagkilala sa tao. Maari naman maayos na sagutin o hindi na lamang pansinin.

Ngayon dahil sa mga pangyayari nahaharap sa isang kasong mabigat ang karampatang parusa. (Kinalap ni Jona Fong)

PARA SA MGA biktima ng krimen, karahasan o legal problems maari kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854, Maari din kayong tumawag sa 6387285. Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Email address: [email protected]

AILENE

ANAK

DAHIL

GILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with