^

PSN Opinyon

‘Mapusok si binata...’

- Tony Calvento -

KELAN BA NAGING TAMA ANG AKALA? Kaya nga akala ang tawag dahil mali pala. Marami na ang napahamak dahil sa maling akala.

Ang tampok na istorya ngayong araw na ito ay isang gulo na ang nagbunsod ay isang maling akala. Masakit mawalan ng isang mahal sa buhay dahil napagbintangan ito ng isang bagay na hindi naman ginawa.

Isang ina ang lakas loob na pumunta sa aming tang­gapan upang idulog ang pagpatay sa kanyang panganay at nag-iisang lalakeng anak na si Gill Salvador.  Kasama niya ang kanyang bunsong anak na si Ailene Salvador.

Si Wilma Salvador ay nagtitinda ng gulay sa palengke.

Hiwalay siya sa asawa at  may dalawang anak.  Si Gill 22 taong gulang at si Ailene 19 taong gulang.

“Hindi ko kayang pumunta dito mag-isa kaya isi­nama ko si Ailene. Masyado akong nagiging emos­yonal tuwing naaalala ko ang nangyari sa anak ko.” kwento ni Wilma.   

Isinalaysay niya na nung May 3, 2008, bago mag-alas kwatro ng hapon ng mangyari ang insidente sa ilog sa Wawa Dam, Brgy. San Rafael, Rodriguez Rizal.

“Malapit lang kami nakatira sa ilog kaya madalas nandun si Gill kasama ang kanyang mga kaibigan.Yun na ang ginagawa nilang tambayan.” kwento ni Wilma.

“Nakita ko ang pangyayari dahil kasalukuyan din ako nasa ilog nun dahil dun sinelebrate ng boss ko ang kanyang birthday kasama ang iba pa naming staff.” ayon kay Ailene.

Kadalasan na maraming naliligo sa ilog sa Wawa Dam dahil sa bukas ito para sa lahat at hindi mo na kailangan magbayad ng entrance fee.

“Nakita ko ang dalawang lalake na lumapit at hina­rang si kuya Gill. Napatindig ako sa aking kinata­ta­yuan dahil biglang binatukan ng isang lalake si Kuya.” kwento ni Aileen.

Inakala ng dalawang lalake na binastos ni Gill ang kasama nilang babae. Marami ang nakakita sa pang­yayari kaya naman mabilis nagkaroon ng tensyon.

“Lumapit ang mga tao at kinumpronta ang nam­batok sa kuya ko. Hanggang makalipas ang isang sandali nagkarambulan na. Namagitan si kuya sa gulong nangyari at sinabing… ‘gulo ko ‘to….  ako ang involved.  Ako na ang bahalang tumapos nito.” kwento ni Ailene.

Habang umaawat si Gill  hindi nito napansin na may kutsilyo na palang dala yung isang lalaki.

“Kitang kita ko na sinaksak ng kalbong lalake si Kuya sa kaliwang tagiliran.  Gusto kong lumapit para tulungan si Kuya pero pinigilan ako ng mga kasama ko dahil baka ako naman daw ang madamay.  Agad kong nalaman ang pangalan ng sumaksak sa kuya ko. Siya po si Rodolfo Francisco.” umiiyak na pahayag ni Ailene.

Isang kaibigan ang humila kay Gill papalayo sa gulo matapos itong bumagsak. Bumulwak ang dugo sa tagiliran ni Gill.

“Hinila ni Kuya Roderick Gonzales si kuya at nagpatulong siya na buhatin si kuya pababa ng Dam.  Sinakay nila ito sa tricycle at dinala sa H-Vill Rodriguez.” dagdag ni Ailene. 

Sa pagkakataong ito nagkagulo na ang paligid.  May nagsigawan, nagtakbuhan at may nagrambulan.

SA GANANG akin marahil hindi nagustuhan nung mga lalake ang pagiging MAPUSOK nitong binata dahil kinausap agad ‘yung babae. Maaring napormahan lamang sa kanya at ito’y nagresulta na sa isang malaking gulo, 

Ano ang mga sumunod na nangyari kay Gill? Nalig­tasan ba nito ang matinding tama niya sa tagiliran? Tutu­kan natin ang pagpapatuloy ng kwentong ito sa MI­YERKULES.  EKSKLUSIBO DITO LANG SA CALVENTO FILES. (Kinalap ni Jona Fong).

PARA SA MGA biktima ng krimen, karahasan o legal problems maari kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854, Maari din kayong tumawag sa 6387285. Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.  

SA PUNTONG ITO nais kong magpasalamat sa lahat ng mga tumugon sa panawagan namin ni Sec. Raul Gonzalez ng Department of Justice para sa tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Iloilo City.

Ang PLDT/SMART sa pangunguna ni Mr. Manny V. Pangilinan, Butch Meily, Ray Espinosa at marami pang iba.

Ang PCSO si Chairman Serge Valencia at Manny Garcia.

Si Sammy Po ng Unitrade Enterprises (EQ DIAPERS) at ang PHILIPPINE AIRLINES sina Rolly Estabillo at Eya Prospero. Mabuhay kayong lahat at salamat!

Email address: [email protected]

AILENE

ISANG

KUYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with