^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Babay sa anunsiyo nang nakamamatay na bisyo

-

SIMULA kahapon, wala nang advertisement sa mga diyaryo at magazine ang sigarilyo. Bawal na ring mag-sponsor ng sports, concert, cultural or art events ang mga kompanya ng sigarilyo. Bawal nang makita ang mga logo, trademark, pangalan desenyo at anupa mang pagkakakilanlan sa siga­rilyo. Ang pagbabawal sa pag-aanunsiyo ng tobacco products sa mga pahayagan at magasin ay nakatadhana sa Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003. Noong January 2007, inalis na ang pag-aanunsiyo ng sigarilyo sa telebisyon, radio at mga sinehan. Noong July 2007, ipinagbawal ang outdoor ads ng sigarilyo. Babu na nga sa anun­siyo ng nakamamatay na bisyo!

Ang pagbabawal ng advertisement ng sigarilyo sa mga pahayagan at magasin ay katanggap-tang­gap sapagkat malaki ang magagawang tulong para makaiwas ang marami sa bisyong ito. Ngayon ay pabata nang pabata ang mga naninigarilyo at ang kahahantungan nito ay ang maaga nilang kamata­yan. Ayon sa report, tinatayang nasa apat na mil­yong kabataang Pinoy ang naninigarilyo. Sa pagka­wala ng mga anunsiyo ng sigarilyo sa mga pahaya­gan, radio at telebisyon, inaasahang maililigtas sa pagkakasakit ang maraming kabataan sa paninigarilyo.

Ayon kay Roberto del Rosario, advertising executive at board member ng Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines (FCAP) dinadaya ng mga kompanya ng sigarilyo sa kani­lang ad ang mga kabataan sa pamamagitan ng pag­papakita na ang paninigarilyo ay okey lang gawin at hindi masama. Ayon pa kay Del Rosario, kabalik­taran ito sapagkat nagdudulot ito ng mga nakama­matay na sakit — emphysema, lung cancer, at iba pa ang paninigarilyo.

Ngayong wala nang anunsiyo ang nakamamatay na bisyo sa pahayagan, TV, radio at billboards, ang dapat ngayong paigtingin ng mga awtoridad ay ang paghihigpit sa mga may-ari ng tindahan o sari-sari store na nagbebenta ng sigarilyo sa mga menor-de-edad. Balewala ang RA 9211 kung hindi naman hihigpitan ang mga tindahan sa pagbebenta ng ka­nilang sigarilyo.

Nasimulan na ang kampanyang ito at hindi na dapat pang itigil. Sa ganitong paraan tiyak na maili­ ligtas ang maraming Pinoy smoker. Pagtulungang ipatupad ang batas para sa kanilang kaligtasan.

vuukle comment

AYON

BAWAL

DEL ROSARIO

FRAMEWORK CONVENTION

NOONG JANUARY

NOONG JULY

SHY

SIGARILYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with