Regularization scheme sa undocumented Pinoy workers sa Europe
ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nanawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na hikayatin ang pamahalaan ng Europe na magpatupad ng “regularization scheme” para sa undocumented Pilipino workers sa kanilang teritoryo.
Si Jinggoy, na concurrent chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development at ng joint congressional oversight committee on labor and employment, ay naalarma sa bagong immigration rule na inaprubahan sa unang pagbasa ng European Union Parliament na magtatakda ng mas mahigpit na patakaran sa mga undocumented migrant worker o tinatawag na “irregulars” doon. Kapag tuluyang naging batas, ang bagong immigration rule ay ipatutupad makaraan ang 24 na buwan. Maaapektuhan ng naturang hakbangin ang 94,113 undocumented Pinoy workers sa
Nilinaw ni Jinggoy na hindi natin idinedepensa ang ilegal na pagtatrabaho doon ng ilang kababayan na walang makitang maayos na trabaho sa ating bansa. Pero hindi naman natin sila puwedeng basta na lang hayaang makulong doon, at hindi rin naman kakayanin ng pamahalaan na agad makapagbigay ng alternatibong hanapbuhay sa ganun karaming pauuwiing Pinoys.
Ang pinakamainam na solusyon sa problemang ito ay ang paghikayat ng DFA at DOLE sa pamahalaan ng Europe na magpatupad ng pagproseso ng papeles ng undocumented Pinoy workers upang maging legal ang kanilang pagtatrabaho roon.
Mayroon pang hindi bababa sa 24 na buwan para isulong ang ganitong solusyon. Pero dapat ay asikasuhin na agad ngayon pa lang ng DFA at DOLE ang bagay na ito, at huwag nang hintayin pang maging ganap na batas ang bagong immigration rule bago kumilos.
- Latest
- Trending