Cheap Medicines Bill, walang epekto?
NAGPAPASALAMAT ako kay Ms. Deedee Siytangco, dating press secretary ni President Cory Aquino, sa pag-imbita sa akin sa kanyang lingguhang Bulong Pulungan sa
Ang paksa namin
Isang magandang pag-usapan ay ang Cheap Medicines Bill. Talaga bang bababa ang presyo ng gamot?
Sa aking palagay ay hindi po! Heto ang aking mga dahilan:
1. Walang ngipin ang Cheap Medicines Bill ni Senator Mar Roxas. Una, ang Generics Only provision ay inalis na. Ang ibig sabihin ay puwedeng ipilit ng doktor ang paborito niyang brand na gamot sa pasyente. Kapag niresetahan ka ng P100 na gamot, iyon pa rin ang babayaran mo sa botika.
2. Ibinasura ang Price Control Committee na ipinipilit ng dalawang doktor na kongresista, sina Dr. Ferneol Biron at Dr. Janet Garin. Kapag walang Price Control, kahit magkano ang gustong ipresyo ng isang kompanya, wala tayong magagawa! Walang pupuwersa sa kanila na ibaba ang presyo.
3. Dahil may parallel importation na nakasaad sa batas na ito, puwede tayong uminom ng mas murang gamot na galing
4. Ayon sa Cheap Medicines Bill, puwedeng mas maagang ilabas ang generic na gamot ng mga lokal na kompanya. May konting tulong ang panukala na ito. Ngunit hanggang hindi ito susuportahan ng mga doktor, balewala lang ito.
Sa makatuwid, walang lakas ang Cheap Medicines Bill para ibaba ang presyo ng gamot. Kailangan pa nating hintayin ang utos ng Presidente sa panahon ng emergency para maibaba ang presyo ng gamot. Ano kayang Emergency ito? Ano pang dapat hintayin gayong libu-libong mga Pilipino na ang namamatay dahil sa mahal na gamot?
Sorry po, Senator Mar Roxas. Maganda ang layunin mo, ngunit dapat ipaalam ang katotohanan. Kung sakaling bumaba ang pres-yo ng gamot, baka 20-30% lamang. Hindi pa rin ito sapat.
Ngayong naipasa na ang Cheap Medicines Bill, sino ang magpapatupad nito? Malaki ang maga gawa ni Secretary Francisco Duque ng Department of Health. Subaybayan!
(E-mail: [email protected])
- Latest
- Trending