^

PSN Opinyon

Compressed natural gas imbis diesel sa mga bus

SAPOL - Jarius Bondoc -

ITINANGGI ni Chairman Tomas Lantion ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagprangkisa sa 2,400 dagdag na bus sa EDSA mula nang maupo siya nu’ng 2007. Aniya 1,097 lang ang idinagdag niya sa 2,487 bus na pinahintulutan ni dating chair Len Bautista sa masikip na main highway ng Metro Manila. Sa 1,097, aniya, 902 ay mga naiwan ni Bautista na naka­bimbing late applications for franchise, at 195 ay mga biyaheng roll on-roll off sa barko patungong Visayas at Mindanao. Kabuuang 3,584 bus ang nasa EDSA ngayon, aniya, kumpara sa 5,127 bago mag-rationalization si Bautista nu’ng 2002.

Mas malaking balita, ani Lantion, ay ang pagpasok ng unang 22 units ng bus na tumatakbo hindi sa imported diesel kundi sa lokal na compressed natural gas (CNG). Ang 22 ay pag-aari ng dalawang bus operators sa Southern Tagalog. Ginarantiya umano ng Dept. of Energy na P14.70 kada litro lang ang benta ng Pilipinas Shell ng natural gas mula sa Malampaya Well, Palawan. Dagdag ang gastos sa pag-compress at transport sa mainland Luzon, papalo sa P20 lang kada litro, Malaking kamurahan ito sa P48 kada litro ng diesel ngayon. Hindi na kailangan ang huling taas-pasahe na inaprubahan ng LTFRB. Lalaki ang kita ng operators at tsuper. Ito ang sagot sa tumataas na presyo ng krudo.

Problema, iisa pa lang ang filling station ng CNG — sa Shell-SLEX Sta. Rosa, Laguna. Kaya ng istasyon na kargahan ang 70 bus araw-araw. Pero para sa mga biyahe hanggang Mall of Asia-Baclaran, Valenzuela, at Nova­liches-San Jose del Monte, natural lang na naisin ng operators at tsuper na may filling stations din sa kabilang dulo ng mga ruta. At lalong mas mainam kung meron ding mobile stations — mga trak ng CNG na puwedeng mag­karga sa mga bus sa tabing-kalye lang.

Bakit ang tagal naman ipasada ang 22 CNG buses, tanong ko kay Lantion. Aniya, bagong teknolohiya kasi ito, kaya wala pang standards at regulations. Kailangan makialam sa simula lahat ng ahensiyang sangkot, tulad ng Department of Science and Technology at Bureau of Fire Prevention.

ANIYA

BAUTISTA

BUREAU OF FIRE PREVENTION

BUS

CHAIRMAN TOMAS LANTION

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LANTION

LEN BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with