^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Umaariba na naman ang kidnap-for-ransom gang

-

SINABI kamakailan ng Philippine National Police (PNP) na malaking porsiyento na ang nabawas sa insidente ng pangingidnap. Ito ayon sa PNP ay dahil sa pagkakalansag nila sa mga kidnap-for-ransom gang na kadalasang ang binibiktima ay mga mayayamang Tsinoy. Sa pagkakalansag sa mga grupo ng kidnappers, inaasahang matatahimik na ang komunidad at wala nang pangamba na may­roong makikidnap.

Ang ganitong pagtiyak ng PNP ay labis na tinang­gap hindi lamang ng mga Tsinoy kundi ng mama­mayan na masyado nang nangangamba sa mga karahasan. Bukod sa kidnapping, laganap din ang nakawan na may kasamang pagpatay kagaya ng nangyari sa RCBC-Cabuyao Branch na siyam ng bank employees at isang depositor ang binaril sa ulo na kanilang ikinamatay. Hanggang ngayon ay malabo pa kung ang mga naaresto ng PNP ay mga suspect nga sa karumal-rumal na bank massacre.

Pero ang pagtiyak ng PNP na wala nang kidnap-for-ransom gang ay agad namang nabalot ng pag-aalinlangan makaraang kidnapin ang isang bank executive noong June 3 sa Quezon City. Tatlong araw na tinago ng mga kidnaper ang executive ng Philippine National Bank (PNB) na si Ramon Murillo, 62. Nagdemand ng P15 million ransom ang mga kidnappers subalit naibaba ito sa P1-million. Naaresto ang mga suspects nang magbabayad na ng ransom ang pamilya ni Murillo sa isang mall sa Pasay City. Narekober ng pulisya ang P850,000 na bahagi ng P1-million ransom. Sunud-sunod pang bumagsak sa kamay ng mga pulis ang siyam na miyembro ng kidnap-for ransom. Kabilang sa naaresto ang isang GRO na umano’y kontak ng grupo para makidnap si Murillo.

Tumigil lamang pansamantala ang mga kidnapping syndicate at muling umariba. Marahil napansin nilang “natutulog” sa pansitan ang pulisya kaya muli silang bumanat. Sa aming palagay nagpapalamig lamang ang mga kidnappers at kapag nakita nilang “natutulog” ang mga pulis ay saka sila aariba. Hindi talaga naputulan ng sungay ang mga kidnappers kundi nagpapahinga lang.

Dapat pang pag-ibayuhin ng PNP ang pagwasak sa kidnap-for-ransom group. Kung nakalusot ang mga kidnappers na kumidnap sa PNB executive na si Murillo tiyak na babanat na naman sila at tiyak na malulusutan ang mga pulis.

CABUYAO BRANCH

MURILLO

PHILIPPINE NATIONAL BANK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

RAMON MURILLO

RANSOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with