Reality shows
Isa sa “cheap thrills” ng mga Konseho ng Metro Manila ay ang pagsulpot ng mga TV camera (with reporter) sa sesyon. May kadalasan itong mangyari
Hindi ang opisyal ang pangunahing nakikinabang tuwing isasapubliko ang mga sesyon ng mga halal na kinatawan. Ang publiko mismo ang mabibiyayaan hindi lang sa pag-angat ng antas ng debate kung hindi dahil sa pagkakataong mabusisi ng husto ang pinag-gagawa ng ating mga binoto. Lubhang mahalaga ang “transparency” sa mga gawain ng gobyerno upang maproteksyunan ang tao laban sa pang-abuso sa pagbalangkas ng mga batas.
Kaya’t maganda ang uumpisahang TV coverage ng mga sesyon at committee hearing ng mismong Kongreso. Dito na natin makikita kung ang maamo at malalapitan mong Congresman ay may pakinabang naman sa pangunahin nitong tungkulin na magpasa ng batas. Ang kalayuan ng Batasang Pambansa ay hindi na balakid sa mga botante. Sa pamamagitan ng Telebisyon ay papasok na sa ating mga bahay ang mga imahe ng ating representanteng nagdedebate o natutulog.
May kasabihan ngang“Ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Kahit hindi mo alam ang ipinagbabawal ng batas, sakop ka pa rin ng mga kautusan nito. Dati’y parang marahas ang ganitong proposisyon dahil walang “access” ang ordinaryong mamamayan sa proseso ng paggawa ng batas. Ngayon ay hindi na ito maidadahilan ni Pedro dahil ang pinakabagong reality show na abot tanaw ng lahat ay andito na at pinamagatang Congress in action.
- Latest
- Trending