^

PSN Opinyon

E-jeepney sagot sa mahal na gas

SAPOL - Jarius Bondoc -

SUBOK na ito sa Makati, Baguio, Puerto Princesa at Ba­ colod: E-jeepney (electric jeepney) ang sagot sa nagma­mahalang gasolina at lubricants. Malinis pa ang hangin.

Disenyong Pinoy pero gawa sa Tsina ang e-jeepney. Imbis diesel o gasolina, umaandar ito sa pamamagitan ng rechargeable battery. Ipa-plug lang ang baterya sa charger na de-kuryente, tapos puwede na pumasada. Tahimik ang makinang de-baterya. At dahil walang sinusunog na langis, wala ring usok at nakalalason na emissions ang e-jeepney.

Nu’ng Abril hanggang Oktubre 2007, nag-assemble ng ilang e-jeepneys para i-test run sa apat na nabanggit na lungsod. Ang sasakyang “animan” — ibig sabihin, anim na pasahero sa bawat upuan sa likod, at tatlo sa harap, o kabuoang 15 — ay kayang umarangkada nang hanggang 40 kph. Tamang-tama ito para sa mga purok na masikip ang trapik.

Sa isang charge lang ng baterya, na inaabot nang walong oras sa magdamag, kayang tumakbo ng e-jeepney nang 100-120 km. Kung pamilyar kayo sa ka­ raniwang ruta sa siyudad na limang kilometro, maku­kuwenta niyo ang efficiency. Makakailang biyahe ang e-jeepney sa halaga lang ng P110-P140 kada charge, hindi libo-libong piso na halaga ng imported diesel.

Panukala ni Sen. Pia Cayetano na puhunanan ng mga city hall ang pagpapakalat ng e-jeepneys. Sila na mismo ang umorder sa assembler, tapos ibenta sa mga jeepney cooperatives nang installment. Natuwa nga siya sa pasya ng Motor Vehicle Parts Manufacturers Association of the Philippines na makiisa sa Green Renewable Independent Power Producer para bumuo agad ng 45 e-jeepneys.

Sa huli, makakatipid ang city halls sa gastusing pag­papagamot ng mga mamamayan. Isa sa bawat pumapa­sadang tsuper, at karamihan ng malimit magbiyaheng estudyante o empleyado ay ubuhin o may sakit sa baga dahil sa vehicle emissions. Pero kung lilinis na ang hangin dahil de-baterya na imbis na de-gasolina ang jeepneys, ligtas na sila.

ABRIL

CITY

DISENYONG PINOY

GREEN RENEWABLE INDEPENDENT POWER PRODUCER

JEEPNEY

MOTOR VEHICLE PARTS MANUFACTURERS ASSOCIATION

PIA CAYETANO

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with