AIDS mas delikado kaysa cancer
WALA pang natutuklasang lunas sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Sa report ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS) tinatayang nasa 33.2 million sa buong mundo ang may AIDS virus. Mahigit namang 2 milyong tao sa buong mundo ang namatay dahil sa sakit na ito.
Dito sa Pilipinas, magandang malaman na mababa ang tala ng mga nagkakaroon ng AIDS kumpara sa ibang bansa. Noong nakaraang
Wala pa ngang natutuklasang lunas sa sakit at sa aking opinion mas delikado ang AIDS kaysa cancer. Alam na natin na may mga paraan na ngayon para mapigilan ang pagkalat ng cancer cells samantalang sa AIDS ay wala.
Ang taong may AIDS ay karaniwang kakikitaan ng depression. Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagbaba ng timbang, nagsusuka, nagtatae at madaling magkaroon ng infection. Madali siyang mahawa ng kahit karaniwang sipon at ubo lamang. Mahina ang katawan kaya madaling magkaroon ng infection.
Sinasabi ng mga specialist na maraming approach para ma-manage ang mga sintomas at ang mga ito ay ang nutritional support at behavioral therapy kabilang ang prescriptive medication.
Kapag nagkaroon ng Human Immune Deficiency Virus (HIV) ang isang tao, unang mararanasan niya ay ang walang kakayahang mag-digest at i-absorb ang pagkain. Ito ang dahilan kaya namamayat, nasisira ang organ ng katawan at pati mga muscle. Nahihirapan ding tanggapin ang mga ibinibigay na gamot sa katawan.
Kailangan ang mahusay na nutrition kapag may AIDS. Sa pamamagitan nito maaaring labanan ang sakit. Magsimula sa tamang attitude tungkol sa mga pagkain.
Maaaring subukan ang liquid nutritional supplements. Kapag kakain ng mga prutas at gulay hugasang mabuti. Ganoon din naman kapag magluluto ng karne o isda. Huwag magluluto ng mga pagkaing sobra ang amoy. Kung merong sugat sa labi, iwasan ang mga acidic, spicy at crunchy na pagkain. Uminom nang maraming tubig. Iwasan ang mga fiber food.
Sinabi ng mga mananaliksik na kailangang magkaroon ng nutrition management para mapabagal ang progress ng sakit.
Sa pananaw naman ng mga cancer specialist, 40 porsiyento ng mga may AIDS ang nagkaka-cancer. Ito ay dahil masyadong mahina na ang immune protection ng pasyente. Wala na siyang panlaban sa mga infection.
Pinapayuhan ang mga health worker particular ang doctors, nurses, dentists, medical technologists at radiographers na mag-ingat sapagkat lagi silang may contact sa body secretions ng pasyenteng may AIDS. Nararapat na magsuot ng dobleng gloves ang mga surgeons at dentists at magsuot din ng eye-shields habang nag-oopera o nagbubunot ng ngipin.
Ang mga spicemen na nakuha ay nararapat pag-ingatan at may wastong label bago ipadala sa laboratory. Ang mga therapeutic radiographers at technologists ay nararapat na maging maingat sa paggamit ng mga skin tattoos at immobilization devices
Ang AIDS ay mas delikado kaysa cancer. May mga cancer na maaaring iwasan at ang iba ay napagagaling kung maagang matutuklasan. Ang AIDS ay wala pang lunas, ganoon man maiiwasan ito kung susundin ang mga payo at babala ng mga may awtoridad sa kalusugan.
- Latest
- Trending