^

PSN Opinyon

Nakikilala na ang Pinoys sa larangan ng pag-awit

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

PARANG bulalakaw na lumitaw ang 15 anyos na si Charice Pempengco. Marami ang namangha at nagulat sa kanya sa United States at United Kingdom. Standing ovation ang mga nanood ng TV program ni Ellen De Generes dahil kay Charice na sinundan pa ng paglabas niya sa isang popular na TV program sa London.

Ang pinakamatindi ay nang mag-guest si Charice sa TV program ni Oprah Winfrey. Humanga nang todo kay Charice si Oprah. “Who are you?”, “Where did you come from?” Ito raw ang mga naitanong ni Oprah kay Charice. Mahigpit na niyakap ni Oprah ang umiiyak sa tuwa na si Charice.

Patuloy ang pagtanggap kay Charice ng ibang lahi.    At lalo pa siyang tatangkilikin kapag natuloy ang isang proyekto na magtatanghal kay Charice at sa mga sikat na sina Celine Dion at Mariah Carey. Sama-sama silang aawit.

Nabalitaan kong marami pa raw nakalinyang pagta­tanghal na napipinto kay Charice sa US, UK at sa iba pang bansa. Masasabi kong sikat na nga si Charice.

Dapat nating ipagmalaki ang talino ni Charice. Maa­aring dahil sa kanya ay makilala nang tuluyan ang kahu­sayan ng mga Pinoy sa larangan ng pag-awit.

Ito ang sinasabi ko na noon pa. Kailangang kumabit tayo sa mga talent manager na may mga koneksiyon sa buong mundo sa larangan ng pag-awit, pagsayaw at maging sa pagtugtog. Sa larangan ng pagtugtog ay may­roon tayong pag-asa sapagkat maraming Pinoy na magagaling sa piano, gitara, biyolin, flute at iba pang mga instrumento.

Alam ko malayo ang mararating ng kababayan nating si Charice. Bata pa siya at kinakikitaan na ng liwanag sa pagkanta. At alam ko rin, malaki ang nagagawa ng deter­mi­nasyon at tiyaga para magtagumpay sa anumang larangan.

CELINE DION

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

ELLEN DE GENERES

OPRAH

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with