^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hamon sa PNP: Samsamin ang nagkalat na mga baril

-

MARAMING loose firearms sa bansa at ang pro­blemang ito ang dahilan kaya walang puknat ang holdapan sa mga banko kagaya na lamang nang madugong panghoholdap sa RCBC Cabuyao Branch.

Pero hindi ganyan ang sinasabi ng Philippine National Police (PNP) ukol sa karumal-dumal na bank massacre. Ang teorya nila ay may kaugnayan daw sa illegal drugs ang nangyaring massacre. Ang Laguna raw ay isa sa mga probinsiya sa Calabarzon na malaki ang problema sa illegal drugs. Karamihan din sa mga kasong nangyayari sa kasalukuyan ay may kaugnayan sa illegal na droga. Sumegunda naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa sinabi ng PNP na talamak talaga ang kaso na may kaugnayan sa illegal drugs ngayon.

Hindi gaanong malinaw kung ano ang koneksiyon ng illegal drugs sa karumal-dumal na bank massacre sa Cabuyao. Parang mahirap maikonekta na ang talamak na illegal drugs ay may kaugnayan sa pagpatay sa walong empleado ng RCBC-Cabuyao branch at sa isang bank depositor. Noong Huwebes, apat na kalalakihang suspek sa RCBC massacre ang napatay ng mga pulis. Pero marami ang nagdududa kung ang mga napatay ay may kinalaman nga sa massacre.

Ayaw aminin ng PNP na malaki ang kanilang pagkukulang sa nangyaring massacre kaya marahil ang illegal drugs ang napagtuunan nilang sisihin. Ayaw aminin ng PNP na ang pagkalat ng mga baril ang isa sa mga dahilan kaya naisagawa ang krimen. Kung tagumpay ang PNP sa pagsamsam sa loose firearms, mangyayari ba ang karumal-dumal na bank massacre?

Kapag may nangyayaring mga krimen ay agad nag-uutos ang PNP na magkaroon ng checkpoint. Ganyan ang nangyari makaraan ang RCBC massacre. Neririkisa ang mga magkakaangkas sa motorsiklo at binubulatlat ang mga dokumento. Pero makaraan lamang ang ilang araw, nawala na ang paghihigpit. Ganyan ang PNP sa kanilang kampanya. Kaya naman patuloy ang paglipana ng loose firearms na ginagamit nila sa kanilang paggawa ng kasamaan. Dapat magkaroon nang maigting na pagsamsam sa mga loose firearms.

ANG LAGUNA

AYAW

CABUYAO

CABUYAO BRANCH

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GANYAN

MASSACRE

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with