^

PSN Opinyon

Hytaz: Pinakamurang gamot sa high blood

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Dok, may altapresyon po ako at ang maintenance ko ay Telmisartan na nagkakahalaga ng P55 bawat tableta. Hindi ko na po kaya bilhin ang gamot. Umaasa. — John

Sa ating mambabasa, may sekreto akong ipahihiwatig sa inyo. May isang mabisa at murang gamot para sa altapresyon na mabibili na sa Pilipinas. Ang generic nito ay tinatawag na HCTZ. Ang brand name ay HYTAZ, isang produkto ng Therapharma-Unilab.

Ang Hytaz ay hindi bagong gamot. Ito ay may 30 taon ng ginagamit ng mga doktor sa buong mundo. Sa katuna­yan, noong nag-training ako sa America, ang pro­pesor ko doon ay laging nagbibigay ng HCTZ sa kanyang pasyente.

Natutuwa ako dahil ibinalik na ng Therapharma ang gamot na Hytaz. Mapapababa ng Hytaz ang inyong pres­yon sa dugo dahil isa itong diuretic. Ang diuretic ay nagpapaihi at nagtatanggal ng asin sa katawan. Ang asin ang nagpapataas ng presyon natin. Kaya sa mga maaalat kumain, lalo na ang mahilig sa patis, toyo at bagoong, bagay na bagay sa inyo ang Hytaz.

Kailan ba dapat uminom ng gamot sa altapresyon? Kung ang blood pressure n’yo ay higit pa sa 140/90, na­ngangahulugang may altapresyon na. Kailangan n’yo nang magdiyeta at malamang ay uminom ng mainte-  nance na gamot.

Ang halaga ng isang tableta ng Hytaz 25 mg ay P5.85 lamang sa Mercury Drugstore. Kadalasan ay kalahating tableta lang ay sapat na sa isang araw. Kung ganoon  ay lalabas na P3 lang ang gastos niyo bawat araw. Matipid, hindi ba?

Kahit ang tatay kong may altapresyon ay binibigyan ko ng Hytaz araw-araw. Magtanong sa inyong doktor tungkol sa gamot na Hytaz. Pambihira ang ganitong gamot na mura na, mabisa pa.

* * *

Nagpapasalamat  ako sa pamumuno ng Thera­pharma-Unilab sa pag­gawa ng Hytaz, ang pina­kamurang gamot para   sa altapresyon. Sa katu­nayan ay nag-donate din ang Therapharma ng 40 karton ng Hytaz sa aming Pasay Filipino-Chinese Charity Center sa Liber­tad, Pasay City.

Maraming salamat   sa kanilang General Manager na si Mr. John Dumpit, Marketing Director na si Ms. Wen­chie Keyser, at ang ka­nilang napakabait na  represen-tative na si Ms. Ivy Sia. Marami po kayong buhay na napapaha­ba sa tulong ng Hytaz.

 

(E-mail: [email protected])

 

ANG HYTAZ

GAMOT

HYTAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with