EDITORYAL – Naka-motorsiklong holdaper nararapat nang lambatin
IBA na ang modus operande ng mga holdaper ngayon. Imbes na ang banko ang kanilang pasukin, mga kliyen te ang kanilang inaabangan at saka hinoholdap. At ang nakapanlulumo, pinapatay pa ng mga holdaper ang kanilang hinoldap. Sa loob lamang ng isang linggo, limang magkakasunod na insidente ng panghohold-ap ang isinagawa ng mga nakamotorsiklong kalalakihan. At nakadidismaya naman ang sinabi ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi pa raw nakaaalarma ang mga nangyayaring panghohold-ap sa mga bank client. Ano pa kaya ang gustong mangyari ni Gen. Geary Barias? Gusto ba niyang sandamukal muna ang maholdap at mapatay para sabihing nakaaalarma?
At isang araw makaraang sabihin ni Barias na hindi naman nakaaalarma ang panghohodap sa mga kliyente ng banko, sumalakay muli ang mga holdaper na naka-motorsiklo at kanilang tinarget ang isang abogadong negosyante. Hinarang ng mga nakamo torsiklong holdaper ang sasakyan ni Atty. Alfredo Dy sa kanto ng Pedro Gil at Merced Sts. sa Paco dakong alas diyes ng umaga. Pinagbabaril si Dy at saka kinuha ang bag na may lamang isang milyong piso na kawi-withdraw lamang sa Banco de Oro.
May rumespondeng dalawang pulis at nakipagba-rilan sa mga holdaper pero may mga kasamahan pa pala ang mga ito. Ang mga ito ang bumaril sa dalawang pulis. Namatay ang dalawang pulis samantalang si Dy ay patay na bago pa makarating sa
Masyadong malakas ang loob ng mga holdaper at kahit sa karamihan ng tao ay walang takot na isinasagawa ang panghoholdap. Isa marahil dahilan kung bakit hindi natatakot ang mga nakamotorsiklong holdaper ay dahil alam nilang kayang lusutan at takasan ang pulisya. At mas malalakas ang kalibre ng baril na kanilang hawak. Bukod doon mas marami sila kung sumalakay at kapag nagipit ay mayroong mga backup.
Nakaaalarma ang halos araw-araw na holdapan at pawang mga kliyente ng banko ang hinoholdap. Noong nakaraang linggo, sumalakay sa iba’t ibang lugar ang mga holdaper. Sa Parañaque, isang kliyente ng banko ang natangayan ng P2.1 million. Sa Maynila, pinatay matapos holdapin ang isang 50-year old messenger na natangayan ng P65,000. Sa Marikina City, dalawang mag-asawang matanda ang hinoldap makaraang mag-withdraw ng pera sa banko. Natangay sa mag-asawa ang kalahating milyong piso.
Ang pagkilos pa ng PNP sa mga nangyayaring holdapan na ang may kagagawan ay mga naka-motorsiklo ay nararapat doblehin at paigtingin. Hindi dapat ningas-kugon sa pag-inspeksiyon sa mga nakamotorsiklo. Huwag hayaang ang mga kawawang bank client ay mamatay sa kamay ng mga kawatan.
- Latest
- Trending