Lupaing CLOA may grand conspiracy
MGA multi-millionaire ang mga magkakasosyo sa umano’y grand conspiracy tungkol sa isyu ng illegal convertion ng mga agricultural land na ginawang class subdivision ng mga ahensiya ng gobierno nagsabwatan.
Sabi nga, kapalit pitsa!
Ito ang ibinida ni Louie Hipolito, isang realtor sa mga kuwago ng ORA MISMO, may hawak siyang katakut-takot na dokumento na magpapatunay na nagkaroon ng grand conspiracy para ma-convert ang lupain ng gobierno na ibinigay sa magsasaka sa pamamagitan ng Certificate of Landownership Award (CLOA) at naisalin para maging Transfer Certificate Title (TCT).
Ang ikinakanta ni Ka Louie sa mga kuwago ng ORA MISMO, ay ang mga lupa ng mga magsasaka na inaward ng gobierno sa kanila sa usapang at pangakong hindi puedeng ibenta ang nasabing land of the morning este
Sabi nga, may butas este
Ika nga, the Law shall prevail!
No one is above the Law!
May batas ang gobierno regarding sa CLOA, dehins puedeng ibenta ng farmers sa loob ng 10 years o kung ibebenta man ay dapat sa kanilang mga anak or nearest of you este
Sinabi ni Ka Louie, sa ginawang investigation ng Land Registration Authority sa kanyang reklamo nagkaroon ng illegal transaction ang Central Country Estate Inc. at ang Register of Deeds sa San Fernando Pampanga sa pamamagitan ng paghati-hati at paglilipat ng 1,000 titulo ng lupa na kabilang sa mahigit na 76 hectares na lupain na ipinamahagi ng gobierno ng Philippines my Philippines sa mga farmer.
Ayon kay Ka Louie, ginawa ito ng walang kaukulang permit o licence to sell galing sa Housing and Regulatory Board at walang convertion ng Department of Agrarian Reform.
Naku ha!
Sabi ni Ka Louie, sa investigation ni Atty. Dee ng Register of Deeds sa San Fernando Pampanga, ang mga lupain ng gobierno na ipinamahagi sa magsasaka ay hindi puedeng ibenta sa pribadong tao o corporation malaking krimen ito dahil sa paglabag sa Comprehensive Land Reform Program.
Ayon kay Ka Louie, ginawa ito noon panahon ni dating Register of Deeds Bienvenido Ocampo.
Sabi ni Ka Louie, ang recommendation nina Atty. Jel Mari Bigornia at aprobado ni LRA Administrator Benedicto Ulep at Deputy Administrator Ofelia Abueg Sta. Maria ay sampahan sila ng petition para kanselahin ang lahat ng titulo na illegal na inilipat sa Central Country Estate Inc. na ngayon ay first class subdivision na pinangalanan The Lake Shore.
Sabi ni Ka Louie, pagkatapos ng investigation report inupuan ng LRA ito dahil hindi ito agad ipinadala sa Solicitor General na siyang dapat magkansela ng mga titulong illegal na lupang pinaguusapan.
Ayon kay Ka Louie, ilan lamang ito sa mga lupain ng gobierno na ipinamahagi sa mga magsasaka from Mexico Pampanga ang probinsiya ni Prez Gloria Macapagal Arroyo.
Mahigit sa 10 times na parehong reklamo ang isinumbong ni Ka Louie sa DAR bago umaksyon si Secretary Nasser Pangandaman na gumawa ng Ad Hoc Committee para sa isang terminal report.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago kaya series 4 next issue’ anang kuwagong nangangalabaw.
‘Habang tumatagal gumaganda ang kuentuhan ng mga kuwago ng ORA MISMO at si Ka Louie’ sabi ng kuwagong manggagantso.
‘Ano sa palagay mo ang mangyayari ?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Kailangan makarating ang usapan sa malakanin este mali Malacañang pala para malaman ni GMA ang grand conspiracy todits’
‘Kailan kaya?’
‘Kamote, hindi pa tapos ang istorya magbasa ka muna’
‘Oo nga pala!’
Maganda ba ang kahihinatnan ng kuentuhan ninyo?
‘Kaya nga magbasa ka lagapot.’
‘Eh ano ang gagawin natin ngayon?’
‘Abangan mo kamote!’
- Latest
- Trending