^

PSN Opinyon

Mundo ng Isang Holdaper...

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

BIHIRA na mapanood sa Philippine Television ang mga totoong kaganapan sa pagtunton sa mundong gina­galawan ng mga  kriminal sa lipunan, kabilang na dito ang mga holdaper.

Bukod sa lubhang mapanganib ito, walang katiyakan ang kanilang ikikilos. Walang makapagsasabi kung saan ang kanilang area of operation, anong oras at sino ang kanilang bibiktimahin.

Magiging palaisipan din kung anong weapon ang kanilang ginagamit sa pambibiktima. Wala ring katiyakan na baka sa pagtunton, pagsu-surveillance at pagsu-baybay mo sa kanilang kilos at galaw, baka ikaw ang maitumba o mawalan ng buhay.

Subalit, hindi naging balakid ang mga bagay na ito sa BITAG at Mission X. Nitong nakaraang Sabado ay ipinalabas namin sa aming programa ang isang segment na pinamagatan naming “HOLDAP”.

Isang impormasyon ang aming natanggap noong nakaraang linggo na isang grupo daw ng mga holdaper sa Maynila ang titira o mambibiktima ng gabing iyon.

Masuwerteng naitimbre sa BITAG at Mission X ang mga kilos at galaw at maging pagkakakilanlan ng mga suspek.

Delikado man, hindi kami nagdalawang-isip na ikasa ang BITAG at Mission X Investigative Team para kum­pirmahin ang nasabing inteligence.

Kilos pronto, tinungo ng aming grupo ang isang lugar sa Maynila na siya umanong meeting place ng nasabing grupo ng mga holdaper.

Lumalim ang gabi subalit dalawa lamang ang lumutang na miyembro ng mga holdaper sa nasabing lugar. Akala namin ay walang mangyayari ng gabing iyon subalit sa matiyagang pag­maman­man, naging mabilis ang mga pang­yayari.

Nagpalipat-lipat ng sinakyang dyip ang dalawang suspek, namimili na ng kanilang prospect o biktima. Hanggang maispatan namin ang pagbaba ng isa sa dalawang holdaper, may dala na itong bag at humahangos sa pagtakbo.

Ibig sabihin may nabiktima na ito, subalit mabilis din ang naging reaksiyon ng BITAG security team, nagkaroon ng sunud-sunod na putok ng baril, bumang­ga ang suspek sa aming back-up vehice at nabitawan nito ang dala-dalang bag.

Ang kanyang naging biktima, isang college student. Tinutukan daw siya ng patalim sa leeg ng lalaking suspek at dahil sa takot, ibinigay niya ang kanyang bag na naglalaman ng kaniyang cell­phone, wallet at gamit sa eskuwela.

Ito ang hubo’t-hubad na katotohanan (hindi edited) na naidokumento ng BITAG sa mundong ginagalawan ng holdaper  na naengkuwentro namin.

Hindi pa dito natatapos ang doku­mentasyon naming ito, sadyang hindi buo ang aming ipinalabas sa BITAG. At dapat itong abangan ng mga sumusu­baybay sa BITAG at Mission X...

BITAG

MAYNILA

MISSION X

MISSION X INVESTIGATIVE TEAM

PHILIPPINE TELEVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with