^

PSN Opinyon

Expired na processed meat products at nabubulok na karne, sagot sa food crisis?

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

 (Huling bahagi)

HINDI na hinintay pa ng BITAG at Mission X ang ma­kupad na pagkilos ng National Meat Inspection Service para sumama sa amin upang sana’y i-raid at inspek­siyunin ang mga karne sa Sulu St., Blumentritt, Manila.

Kami na mismo ang gumawa ng hakbang upang bula­bugin at ilantad sa publiko ang patago’t ilegal na indus­triya ng kalakalan ng mga sira at nabubulok ng karne.

Sa kasalukuyang food crisis at ang pagtataasan ng presyo ng pagkain na pinangangambahan pa rin ng bansa at ng buong mundo, marami pang tulad ni Boy Sil­verio at Aling Nena Cheng na patuloy na nagsa­samantala.

Gagamitin at sasakyan ang kasalukuyang krisis ng mga mapang-abusong negosyante na ang hangad lamang ay kumita ng limpak-limpak.

Katulad ng underground industry ni Boy Silverio at Aling Nena na kinakalakal ang mga sira at nabubulok ng karne na imbes pampakain na lamang sa mga hayop ay ibinebenta pa para pangkain ng tao.

Sa mga ganitong sitwasyon, inaasahan naming mabu­buksan ang isipan ng bawat mamamayan.

Maging wais partikular sa inyong mga binibili sa mga palengke nang makaiwas sa BITAG ng mga mapag­samantala ngayong panahon ng krisis.

Para naman sa NMIS at iba pang kinauukulang may kinalaman dito tulad ng Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry, ginawa na namin ang aming misyon, gawin n’yo rin ang inyong trabaho.

Ngayong nailantad na ng BITAG at Mission X ang patagong industriya diyan sa Sulu St., Blumentritt, Manila, kumilos na kayo…pronto!

ALING NENA

ALING NENA CHENG

BLUMENTRITT

MISSION X

SHY

SULU ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with