^

PSN Opinyon

Expired at nabubulok na karne at processed meat products, sagot sa food crisis? (2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

“IF the cat is away, the mouse will play”, ganito rin ang estilo ng ilang empleyado ng Vifel 2 na nakikipagsabwatan sa mga traders na katulad ni Boy Silverio.

Kapag tulog na ang mga kinauukulan tulad ng National Meat Inspection Service o NMIS, pinapayagan nilang iimbak sa kanilang cold storage facility ang mga nangangamoy at pabulok ng karne ni Boy Silverio.

Ang siste, tiba-tiba si Boy Silverio sa kanyang negosyo dahil nag-aabang naman sa kanya ang mga retailers sa palengke, isa na dito si Aling Nena.

Pagbagsak ng mga karne kay Aling Nena, ginagamitan na ito ng teknolohiyang re-processing. Ito ay ang prosesong pagtitimpla muli sa mga nabubulok na karne gamit ang iba’t-ibang food seasoning.

Gamit ang suka, toyo, bawang at paminta, naitatago ang totoong amoy at itsura ng mga karneng itinitinda ni Aling Nena.

Himutok nga ni Jose sa BITAG, ang aming tipster sa underground industry na ito, apektado silang mga lehitimong nagbebenta ng mga sariwang karne sa palengke ng Blumen­tritt, Manila.  Bumibili daw sila ng legal at mga sariwang karne sa mga meat distributors at ibinebenta ng ayon sa market price samantalang sa underground industry ni Boy Silverio at Aling Nena, doble mura ang presyo.

Tinatanggal lamang daw sa balot ang mga processed meat products upang matanggal at hindi makita ng mga mamimili ang mga expiration dates nito.

Patago’t matalinong estilo ng underground industry ang kalakalan ng mga sira at nabubulok na karne subalit may bahid pa rin ng panloloko.

Sinubukan din ng grupo ng BITAG at Mission X na bumili ng mga paninda ni Aling Nena at ipinasuri namin ito sa laboratoryo ng NMIS.

Sa kasamaang palad makalipas ang isang linggo, hindi pa rin namin nakukuha ang resulta. Kesyo ang kanila daw repre­sentanteng dapat magpaliwanag sa resulta ng tests ay not available.

Sa araw din naman ng aming operasyon noong Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling araw, underman o kulang daw sila sa tao. Dahil sa dami ng kuskos balungos ng NMIS sa operasyong ito, kami na ang gumawa ng kanilang trabaho. Tinapos na namin at inilantad ang patago’t iligal na industriya ng kalaka­lang ito… abangan ang huling bahagi…

ALING NENA

BIYERNES

BLUMEN

BOY SILVERIO

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with