^

PSN Opinyon

Castrol Skywalker’s Basketball Camp

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SA lahat ng interesado at hindi gaanong marunong mag­basketball ito na ang pagkakataon ninyong matuto dahil mismong si Samboy “Skywalker” Lim at mga kasamahan niyang magagaling at matitinik na coaches ang magbibigay sa inyo ng pagkakataon gumaling sa larangan ng sipa este mali basketball pala.

Sa mga gustong mahasa at tumalas sa paglalaro ng basketball bukas ang 2nd batch ng Castrol Skyawalker’s Basketball Camp sa Mayo 11, 18, 25 at June 1, 8 and 15 sa Camp Crame gym ang venue.

Sa mga interested maaring tumawag sa mga telepono 531-7554, 499-9999 or 09164987046 look for Anne.

Huwag mahiya ang importante ay gumaling kayo sa basketball kaya naman ang Castrol Skywalker’s Basketball Camp ni Samboy ang sagot sa problema.

Maraming libreng ipamimigay upon enrollment plus P50,000 personal accident insurance pa.

Mga kamote punta na kayo!

DAR, HLURB,  BIR at Registry of Deeds may grand conspiracy (1)

IKINANTA ni Louie Hipolito, isang real state broker sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang Comprehensive Agrarian Reform anomalies regarding sa illegal transfer ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) to regular Title Certificate of Transfer (TCT) dahil nagkaroon daw ng sabwatan ang HLURB, BIR, DAR, at Registry of Deeds.

Sabi nga, large scale.

Grabe ang tirahan porke pera-pera ang usapan kaya naman ang mga farmer ang nayari todits.  Ang problema ay  kasalanan din nila  ibenenta nila ang  lupang ibinigay ng gobierno kapalit siempre ng malaking pitsa.

Sa batas ng Republic of the Philippines my Philippines hindi puedeng ibenta ang CLOA sa loob ng 10 years matapos i-award sa magsasaka ito.

Ang lupang CLOA na ibinigay ng gobierno sa magsasaka ay maari lamang ibenta pagkatapos ng ten years pero sa kanyang anak lamang o nearest sky este mali kin pala, Land Bank of the Philippines o sa Government ng Republic of the Philippines at wala ng iba.

Ganito ang ikinanta ni Ka Louie, nangyari daw ang kagaguhan sa mismong province ni Prez Gloria Macapagal Arroyo.

Sabi nga, province of PAMPANGA!

Ani Ka Louie hindi binigyan ng kahihiyan si GMA kaya naman nagkatirahan ng husto dito.

Sabi nga, ahensiya ng mga gobierno ang nagsabwatan.

Matindi ang mga protector from the government ng mga mayayaman ibubulgar ni Ka Louie kaya siya lumabas ay para tawagin siya sa Kongreso o Senado upang masabi niya ang mga pangyayaring nakita niya mismo at naranasan sa sabwatan.

Ayon sa kanta ni Ka Louie Hipolito sa mga kuwago ng ORA MISMO, nailipat sa pamamagitan ng magic at ilegal na paraan ang may libong ektaryang agricultural lands o CLOAS sa pribadong tao at corporation nito ang awarded land ang sa mga pobreng farmers.

Sabi ni Ka Louie, nasa prohibitive period pa ang lupain kaya matindi ang kamotehan todits pero hindi niya sinisisi ang mga magsasaka dahil nakahawak sila ng malaking halaga ng pitsa matapos silang i-buy out ng mga la­ ga­­pot.

Ani Ka Louie tiyak niya na this crime was accomplished in grand conspiracy with private corporations, local DAR officials, HLURB, BIR, and REGISTER OF DEED.

Nalulungkot si Ka Louie dahil dalawang taon bago iniutos ng DAR Secretary Nasser Pangadaman na magkaroon ng imbestigasyon dahil 15 complaint letter na pala ang ipinadala niya dito.

Ika nga, nakulitan din!

Sabi ni Ka Louie, napuersa si Nasser na gumawa ng Ad-Hoc committee para sa TERMINAL REPORT.

Sa kanta ni Ka Louie, ang Ad-hoc committee kina­ bibilangan ng high DAR officials after 6 months of actual inspection and investigation  kinumpirma  nila sa kanilang terminal report na all my accusations ay totoo at tama.

Ang problema sabi ni Ka Louie since April 2007 (date of terminal report), pino-proteksiyunan daw ni Nasser ang mga unscrupulous private corporations na very close at also protected by very high officials in malakanin este mali Mala­canang pala.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’ anang kuwagong mangingisda.

‘Dami bang personalidad ang bold este mali involved pala?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Sangkatutak kasama pa nga ang isang Noli’

‘Matindi ang hawak na dokumento ni Ka Louie basta ang importante ikukuento ng mga kuwago ng ORA MISMO ito sa inyo.’

Abangan.

COUNTRY

KA LOUIE

LOUIE

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with