^

PSN Opinyon

Ang dahilan ng stroke

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño,

Isa ako sa mga sumusubaybay ng  iyong column dito sa NGAYON. Hindi ako nawawalan ng kopya kapag Linggo. Ako po ay 50 taong gulang na. Gusto ko po sanang talakayin ninyo ang may kaugnayan sa stroke. Ano po ang mga nagiging dahilan ng stroke?  —MARIANO SALAMAT ng Batangas City

Salamat po nang marami Mr. Salamat sa inyong sulat.

Ang tinatawag na atherosclerosis ang pinaka-   kara­niwang dahilan ng stroke. Ito ay ang pagkitid ng major arteries o ugat na nagsusuplay ng dugo sa utak. Kapag kumitid ang ugat magkakaroon ng obstruction o di kaya’y hemorrhage. May pagdurugo sa utak na sanhi naman ng deformity ng blood vessels at ito ang tinatawag na aneurism.

Ang stroke ay maaaring maging temporary, o mild ang pinsala, maaaring humantong sa pagka-paralysis o pag­kawala ng function at maaaring mamatay sa loob ng ilang oras ang nagkaroon nito.

Para maiwasan ang pagkakaroon ng stroke kinaka­ilangang gamutin ang sakit na nagiging dahilan nito at ito ay walang iba kundi ang atherosclerosis. Kung nagsu­suspetsa na kumikitid ang ugat na nagsusuplay sa utak, o ang tinatawag na carotid arteries sa batok, dapat  itong operahin. Sa pamamagitan ng operasyon, aalisin ang plaque at ang deposits na nasa blood vessel. Ang ganitong operasyon ay mahalaga para maiwasan ang mga susunod pang stroke. Mapanga­ nib nga lamang ang procedures.

Karaniwang apektado ng stroke ang mga taong nasa edad 40 pataas.

ANO

BATANGAS

DR. ELICA

MR. SALAMAT

STROKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with