Isa na namang OFW sa death row
NAKALULUNOS ang kalagayan ni May Vecina, ang 29-anyos na domestic helper sa
May dalawang buwan ang Kuwaiti Emir para pir mahan ang execution order, o kaya ay ipawalang-bisa ang hatol kung makukumbinse ng pamahalaan ng Pilipinas na isalba ang buhay ni May.
Kaisa ako sa mga naniniwalang ang naging sitwasyon ni May ay dahil sa kanyang mapait na karanasan sa trabaho sa
Naaalala ko ang sinapit ni Marilou Ranario, isa ring Filipino domestic helper, na noon ding isang taon ay nahatulan ng bitay at pinagtibay din ito ng Kuwaiti supreme court pero nagdesisyon ang Emir na huwag na siyang bitayin at sa halip ay ibaba na lang sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa kanya.
Bukod sa paggawa ng mga hakbang para isalba si May, dapat na ring kumilos agad ang ating pamahalaan upang kumustahin ang mahigit pang 60,000 mga Pilipino domestic helper sa Kuwait, at ang kabuuang milyun-milyong mga OFW sa iba’t ibang bansa, dahil tiyak na marami pa sa kanila ang kasalukuyang nakararanas ng kalupitan sa kamay ng kanilang amo.
Ang aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, na chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development, at ng joint congressional oversight committee on labor and employment, ay noon pa nananawagan sa pamahalaan na magsagawa ng regular na pag-monitor sa mga OFW upang malaman kung nagkakaproblema ba sila sa kanilang trabaho, nang sa gayon ay agad itong malapatan ng kaukulang solusyon.
- Latest
- Trending