^

PSN Opinyon

DA Secretary Arthur Yap, inatake!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MAY grupong sanay sa crisis PR ang sumisira daw sa kredibilidad ni Agriculture Secretary Arthur Yap dahil gusto itong mapatalsik sa kanyang trono kaya naman isinasangkot ngayon ito sa kontrobersyal na swine program ng Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation (Quedancor), porke naging blackboard este mali Board of Director pala ito dito noon NFA Administrator pa siya.

May mga bumabandera ngayon mga sipsip este mali kakampi si Yap dyan sa Department of Agriculture na nagsasabing walang kinalaman sa anomalya ang kanilang amo.

Nagiging matikoluso ngayon ang madlang people pagdating sa isyu ng katiwalian dahil very fresh pa sa kanila ang kontrobersyal na ZTE scam.

Nasabit ang pangalan ni Yap sa isyu sa Quendacor dahil naglabas ng report ang Commission on Audit na may malaking pondo ang nasabing korporasyon ang nawawala at hinahanap kung saan napunta.

Sabi nga, sa bulsa?

P2.25 billion ang pinaguusapan natin funding ng Quendacor ang nawawala, ito anila ay bahagi ng P5 billion pondo inilaan ng government of the Republic of the Philippines para pantulong sa farmers ng Philippines my Philippines.

Ibinuko kasi ng Commission on Audit sa kanilang report na nagkaroon ng sunugan ng pera este mali may malaking pondo pala ang nawawala sa Quendacor na umaabot sa P2.25 billion.

Kung saan ito napunta iyan ang dapat kalkalin ng madlang people at abangan ang magiging result nito.

Itinuruto ng mga kritiko ni Yap na kasabwat ito sa ka­tiwalian porke dati siyang board ng nasabing corporation noon siya pa ang NFA administrator bago pa siya naging Secretary of Agriculture.

Sabi ng kritiko ni Yap, hindi puedeng magpalabas ng pondo ang Quendacor kung hindi ito sasang-ayunan ng board of directors.

Naku ha mukhang panibagong problema na naman ito kay Yap!

 Noong una, may nagbulgar na tax evader umano ang pamilya ni Yap porke ang nabili nilang lupa dyan sa may Pasig ay nagkaproblema sa buwis sa  porke maliit lang ang naibayad umano nila sa BIR.

Nagbigti este mali nagbitiw si Yap dito para itama ang mga paratang sa kanila.

Kung anuman ang nangyari sa pagbubuwis sila lang ang nakakaalam.

Nang binabakbakan si Yap ng mga kritiko niya ay mabilis na kumampi sa kanya ang galamay niyang si DA USec. Bernie Fondevilla dahil alaws daw kinalaman ang bossing niya sa mga akusasyon na ibinabato ng mga kritiko ng kanyang amo.

 Sabi ni Bernie, ang swine program ay nabuo at ipinatupad noon 2003 sa ilalim ni dating DA Secretary Cito Lorenzo.

Bida ni Bernie, pinakasuhan ang mga Quedancor officials na sinasabing nasa likod ng nasabing scam.

Ang latest ani Bernie pinaiimbestigahan ng kanyang bossing ang scam at kasuhan ang mga gagong nag­sabwatan.

 Sabi nga, wala daw kinalaman si Yap!

 Naku ha!

Ang pera para ipang funding sa Quendacor ay hiniram sa Land Bank of the Philippines.

‘Bakit ba parang ang laki ng problema ni Yap ngayon?’ tanong ng kuwagong magtitilapia.

‘Noon una sa lote nila, tapos sa bigas, tapos sa Quendacor, ngayon sa isda, baboy echetera’ anang kuwagong SPO- 10 sa Crame.

 ‘Ano ang mabuting gawin?’ tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘Abangan na lang natin kamote ang mga mangyayari pa.’

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

BERNIE

QUENDACOR

SABI

YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with