^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Imbestigasyon sa fertilizer scam

-

WALANG kinahantungan ang imbestigasyon ng Senado sa national broadband network (NBN). Nawalan na ng kinang ang witness na si Rodolfo Lozada Jr. Hindi naman mapilit si CHEd chairman Romulo Neri na magsalita kahit na inalis na ang Executive Order 464. Napoproteksiyunan pa rin si Neri ng Executive Privilege. Hindi siya maaaring pilitin. Pero sabi ng Senado hindi pa rin sila sumu­suko sa kontrobersiyal na NBN project.

Pagkatapos ng NBN investigation, ang fertilizer scam naman ang isusunod ng Senado. Malaki rin ang halagang sangkot sa fertilizer scam kung saan si dating Jocelyn “Jocjoc” Bolante umano ang nagmaniobra. Nasa P728 milyon ang hala­ gang sangkot na umano’y ginamit noong May 2004 elections.

Si Bolante ang responsible sa pamamahagi ng fertilizer sa mga magsasaka pero nakapagtataka na sobrang laki ng pondo para sa feritilizer na hindi naman naipamahagi. Ang pondo ay iniutos ni Mrs. Arroyo na ilabas tatlong buwan bago ang May 2004 elections. Magmula noon ay umalingasaw na ang fertilizer scam at naging instant hit. Kasunod ay ang biglang pagkawala ni Bolante at nakalipad na pala patungong United States. Hindi gumawa ng paraan ang Malacañang para maagapang paba­likin si Bolante. Sa kabila nang maraming batikos ay hindi pumayag ang Malacañang para pagsika­pang paba­likin si Bolante at maipagtanggol ang sarili kaugnay sa fertilizer scam. Umano’y ginamit ang pondo para sa election.

Pero nagbago na ang ihip ng hangin dahil kung ano ang pag-iwas ng Malacañang sa isyu ng fertilizer fund ay sila pa itong nagpupumilit ngayon na mapabalik si Bolante. Masyadong open na ang Malacañang ukol kay Bolante.

Sabi ni Presidential Chief Legal Counsel Sergio Apostol gagawa ng paraan ang Malacañang para mapabalik si Bolante kung ipatatawag ng Senado para sa hearing ng fertilizer scam.

Nakapagtataka ang ganitong inaaksiyon ng Malacañang. Ganoon man, mabuti na ring mapa­balik si Bolante para maisalang at nang mapiga kaugnay sa fertilizer scam. Ang nakatatakot lamang ay baka gawin ni Bolante ang ginawa ni Neri na patuloy na umiiwas sa imbestigasyon dahil sa Executive Privilege. Kung magkaka­ganyan, tuloy ang ligaya ni Bolante.

BOLANTE

EXECUTIVE ORDER

EXECUTIVE PRIVILEGE

FERTILIZER

MALACA

MRS. ARROYO

NERI

PARA

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with