MARAMI ang nagtatanong sa akin kung tunay ba na epektibo ang food supplement na pinag-uusapan namin sa telebisyon. May iba ring nagtataka kung bakit ko tinanggap ang paanyaya ng Unilab, ang naglabas ng Vitahart.
Sa unang katanungan, ang masasabi ko ay tunay na epektibo ang Omega 3 o Vitahart sa pagpapalakas ng ating katawan. Sa katunayan, sa lahat ng mga food supplements na naglalabasan sa merkado, ang Omega 3 pa lamang ang may malawak na pagsusuri na nagpapatunay na mabisa ito sa maraming sakit.
Mabisa ang Omega 3 para sa taong (1) may sakit sa puso, (2) matataas ang cholesterol at triglycerides, (3) nagkaroon na ng istrok o atake sa puso (4) abnormal ang pagtibok ng puso, at (5) altapresyon. Ang Omega 3 ay galing sa taba ng isda. Para sa hindi mahilig kumain ng isda, makatutulong din ang Omega 3. Ang brand ng Omega 3 ay Vitahart dahil ito’y “vital” sa ating “heart.”
Ikalawa, bakit ko tinanggap ang alok. Pinagdasal ko po ito nang maigi. Marahil ay hindi alam ng iba na may charity center kami sa Pasay mula pa noong 1991. Bawat buwan, ay 500 mahihirap na may sakit ang aming nagagamot. Sa kasalukuyan ay kasama rin kami sa medical mission ng programang Salamat Dok sa ABS-CBN, kung saan ay dagsa rin ang nangangailangan ng tulong. Sa panahon ngayon, napakahirap maghanap ng pondo para maitulong sa mahihirap. Malaki ang naitulong ng Unilab sa aming charity foundation.
Bago ko rin tinanggap ang offer ng TV commercial ay aking kinausap ang dalawang mahalagang tao. Una, si dating senador Orly Mercado na ngayon ay presidente ng RPN-9. Ang sabi ni Senador Orly, dapat kong tanggapin ang offer ng Vitahart dahil makatutulong iyan sa aming adhikain na makatulong sa mahihirap. Pangalawa ay ipinagpaalam ko rin sa aming guro na si Mr. Boy Abunda. Ang sabi ni Kuya Boy ay kailangan ko itong tanggapin para lumawak pa ang aming misyon.
Sa katunayan, ang Vitahart ang pang-apat na produkto na inilapit sa akin. Tinanggihan ko ang unang tatlo dahil kulang sa siyentipikong basehan ang kanilang produkto. Ngunit sa Vitahart, naniniwala ako na ito ang pinakamabisang food supplement. Mag-research po kayo sa internet tungkol sa Omega 3. Magtanong din sa inyong doktor. At tandaan: Kapag ang puso’y matibay, tuloy ang takbo ng buhay.
* * *
E-mail: drwillieong@gmail.com