^

PSN Opinyon

Shadow government?

- Al G. Pedroche -

MISTULANG bumuo na ng shadow government ang grupo ng mga dating government executives na nagpapakilalang anti-GMA. Ang tawag nila sa kanilang pangkat ay Former Senior Government Officials (FSGO).

Mayroon silang economic cluster, political cluster, social cluster at agricultural cluster. One gets the impression that this is a shadow government with is own cabinet. Mga kilalang tao ang mga bumubuo nito at di mapasusubalian ang galing sa kanilang mga larangan. Magsusuri daw nang malaliman ang binuo nilang clusters sa mga problemang gumigiyagis sa administrasyon. Layunin daw nilang iprisinta sa taumbayan ang ugat ng mga katiwaliang nangyayari sa lipunan.

Pero tumatanggi silang aminin na ang layunin nila’y patalsikin si Presidente Arroyo bago pa man sumapit ang presidential elections sa 2010. Sa isang press conference kamalakalawa, ipinagdiinan ng grupo na si Presidente Arroyo ang nasa “sentro” ng mga katiwaliang nangyayari sa pamahalaan.

Tingin ko malasado kung hindi man hilaw ang hakbang na ito kung ang layunin ay repormahin sa paraang radikal ang gobyerno at i–ahon sa katiwalian. Kesyo nawalan na raw sila ng tiwala sa administrasyong Arroyo. Kesyo wala nang “moral authority” para mamuno si Mrs. Arroyo.

Call a spade a spade guys! Ipagsigawang dapat nang paalisin si Gloria kung inaakala n’yong bulok at talamak sa kasalanan ang administrasyon. That is the right thing to do if you are well meaning. Hindi yung parang naghihin­tay ng concession mula sa Palasyo. Pardon me pero ang impresyon ko kasi (and I may be wrong) ay puwedeng mag-iba kayo ng paninindigan at pumabor pa rin sa dakong huli kay GMA kapalit ng ano pa man. Sorry, im­presyon ko lang na­man iyan. I pray my impression is wrong.

Ganyan din ang ob­serbasyon ko sa mga obispo at buong kapa­rian. Walang nagka­ka­isang paninindigan. They are neither here nor there. Ibang-iba nung panahon ni Cardinal Jaime Sin na ang isang salita’y sinu­sunod ng nakararami. Pati oposisyon ay iba-iba rin ang agenda sa usa­ ping ito. Napakalayo nito sa rebolusyong nagpa­tal­sik kay D’ Great Makoy noong 1986. Nagkaisa ang ta­umbayan at ang pu­­wer­sa ay ibinuhos lang ng minsanan, tang­gal ka­agad ang “diktador”.

Iba ngayon. Marami nang pagtatangkang peo­ple power tayong nakita nitong mga na­ka­lipas na araw pero hindi bomba ang suma­bog kundi su­masagitsit “kuwitis.” Ang kailangan para sa isang epekti­bong people power ay tunay na pagkakaisa ng layunin na naaayon sa Salita ng Diyos at hindi lang alyansang taktikal na may kani-kaniyang agenda.

CARDINAL JAIME SIN

FORMER SENIOR GOVERNMENT OFFICIALS

GREAT MAKOY

KESYO

MRS. ARROYO

PRESIDENTE ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with