Nasorpresa si Lacson ng ‘surprise witness’
PARANG basang-sisiw si Sen. Ping Lacson sa ginanap na NBN ZETA hearing nang ang inihanda niyang “surprise witness” na si Engineer Leo San Miguel ay iba ang inihayag kaysa sa ipinagtapat sa senador noong sila pa lamang dalawa ang naunang nag-usap.
Sa halip na kumpirmahin nito ang mga ini-hayag nina Jun Lozada at Dante Madriaga na alam nito na mayroong komisyon sina dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, First Gentleman Mike Arroyo at ang mga kasamahan ni Abalos na sina Ruben Reyes at Quirino de la Torre ay itinanggi niya ang mga ito. Wala raw siyang kaalam-alam tungkol dito.
Ewan ko kung ano ang susunod na gagawin ng Senado sa mga katulad nina San Miguel na nagsisinungaling. Halatang-halata naman na hindi ito nagsasabi ng totoo sa umpisa pa lamang ng pagdinig. Pakiwari ni Lacson at ibang senador, may nagpabago sa mga sinabi ni San Miguel.
Walang ibang maaapektuhan sakali mang magsabi ng totoo si San Miguel kundi ang mga Arroyo, si dating Comelec chair Ben Abalos, CHEd chair Romulo Neri, Ruben Reyes, Gen. De la Torre, DOTC Sec. Leandro Mendoza, DTI Sec. Peter Favila at Leo San Miguel.
Malaking pera ang pinag-uusapang ko misyon. Nagbigay na raw ng advance payment ang ZTE ng $41 million. Kung sakali mang hindi lahat ay nakatanggap ng pera, siguradong ilan sa mga ito ay naanggihan. Malamang ay alam ni San Miguel kung sino ang mga naanggihan sapagkat consultant naman siya ng ZTE at siya naman ay parang tumatayong coordinator ng mga Pinoy. Isa pa, parati naman siyang kasama tuwing magme-meeting sila.
Nakapanghihinayang kung walang mang- yari sa kasong ito. Harapan na ang pagwawalanghiya subalit walang nagmamatigas para ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan. Hindi dapat palampasin ang mga nagkaka-sala kahit maiimpluwensiya. Hindi dapat ma-silaw sa kinang ng salapi.
- Latest
- Trending