^

PSN Opinyon

Parehong nagkamali

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

Dalawang gusali ang pag-aari ng TEC, ito ay ang DCIM at ang NS. Pareho itong nasa loob ng Food Terminal Complex, Taguig. Upang magkaroon ng kuryente, tatlong kontrata ang napagkasunduan ng TEC at ng MERALCO, dalawa sa DCIM at isa sa NS.

Noong Setyembre 28, 1987, isang grupo mula sa MERALCO ang gumawa ng biglaang inspeksyon sa dalawang kuntador/metrong nakakabit sa DCIM na noon ay inuupahan ng isang electronics company (ULTRA). Napag-alaman na pinakialaman o “tampered” ang mga ito. Ayon sa imbestigasyon, hindi nagrerehistro ang konsumo ng kuryente. Ang imbestigasyon ay nasaksihan ng taga-ULTRA. Gumawa rin ng ulat tungkol sa inspeksyon.

Noong Nobyembre 25, 1987, ipinaalam ng MERALCO sa TEC ang resulta ng inspeksyon at humingi ang kom­panya ng P7,040,401.01 bilang kabayaran sa hindi nare­his­trong konsumo ng kuryente mula Pebrero 10, 1986 hanggang Setyembre 28, 1987. Ipinaalam ito ng TEC sa ULTRA. Sabi naman ng ULTRA, kahit pa nga tampered ang metro masyadong malaki naman ang halagang hinihingi ng Meralco. Dahil hindi nagbayad, pinutulan ng kuryente ang DCIM noong Abril 29, 1988.

Nang ayaw kabitan ng kuryente, napilitang magsampa ng kaso sa Energy Regulatory Commission (ERB) ang TEC. Inutusan naman nito ang MERALCO na ikabit muli ang kuryente sa DCIM. Kinabitan ng kuryente ang DCIM noon lamang Oktubre 12, 1988 matapos mag-inspeksyon muli at napag-alaman na “tampered” pa rin ang mga ito at matapos magbayad na rin ang TEC ng P1,000,000.00 under protest. Nagkasundo ang magkabilang panig na alisin sa ERB ang kaso at ilapit sa hukuman.

Gumawa rin ng biglaang inspeksyon ang MERALCO sa NS. Hindi rin umano nag­rerehistro ng tamang konsu­mo ng kuryente ang kuntador ng nasabing gusali. Nagpa­dala ng sulat ang MERALCO  sa TEC humihingi ng P 280,813.72 bi­ lang bayad. Nang itanggi ng TEC na nagkaroon ng “tampering”, nagpadala muli ng sulat ang MERALCO bilang pana­nakot sa TEC na puputulan ulit ng kur­yente kung hindi baba­ya­ran ang halagang nabang­git. Na­pilitan na naman ang TEC na bayaran ang MERALCO.

Dinemanda ng TEC ang MERALCO para sa danyos. Ma­­tapos ang paglilitis, pinaboran ng hukuman ang TEC. Ipina­ balik sa MERALCO ang hala­gang binayaran ng TEC bukod pa sa sumusunod:  P150,000.00 (actual damages), P 500,000.00 (moral damages), P200,000.00 (exemplary damages) at P200,000.00 (attorney’s fees). Ayon sa hukuman, ang big­ lang pagbaba ng konsumo ng kur­yente ay sanhi ng depor­ma­dong kuntador ngunit kulang ang ebidensiya upang patunayan na pinakialaman o na-tamper ang kuntador. Mga empleyado lang ng MERAL­CO ang maaaring makialam sa mga ito. Ayon pa sa huku­man, mali ang ginawa ng MERALCO nang basta na lamang nito putulan ng kur­ yente ang DCIM kaya dapat lamang na ibalik ang siningil   sa TEC at magbayad pa ng danyos. Ang MERALCO daw ang nagpa­baya. Tama ba    ang hukuman?

Oo. Kung may ebidensiya man na tampered ang kunta-dor nang mag-inspeksyon  noong Setyembre 28, 1987 at muli noong Hunyo 7, 1988,   dapat sana’y gumawa ng pa­raan ang MERALCO upang  itama ang mga depektibong metro. Ma­linaw na pina­ba­yaan ng ME­RALCO ang sirang kun­tador pag­katapos ay  bigla na lang na siningil ang TEC sa maling kon­sumo. Hindi maaa­ring kam­pihan ng huku­man ang gina­wang ito ng MERAL­CO at baka gaya­hin pa ng ibang kompan­- yang tulad ng MERALCO.

Obligasyon ng MERALCO na gumawa ng regular na ins­peksyon at siguruhing maa­yos ang andar ng mga kuntador ng kompanya. Kumpleto sila ng mga aparato upang kumpuni- hin ang mga nasira. Kasalanan ng MERALCO kung dahil sa kapabayaan nito ay mali ang bayaran ng mga kunsumidores.

Tama lang na hindi tang­ gapin ng hukuman ang sinisi­ngil ng MERALCO. Ayon sa batas (PD 401), binibigyan ng karapa­ tan ang mga kompan­yang tulad ng MERALCO na gumawa ng regular na inspek­syon o kaya naman ay mag­sam­pa ng kaso sa mga taong gumagawa ng kalokohan. Ngunit hindi sila binigyan ng karapatan na basta na lang putulan ng kuryente  ang mga tao maliban na lang kung nagbigay ang kompanya ng 48-oras na palugit. Sa kasong ito, inabuso ng MERALCO ang kapangyarihang bini-  gay ng batas. Basta na lamang nito pinutulan    ng kuryente ang DCIM ng walang pasintabi.

Ngunit bilang isang kom­ panya, ang TEC ay hindi ma­aaring bigyan ng tinatawag na “moral damages”.   Hindi naman ito isang tao na nakaka­ramdam ng takot, pagka­pa­ hiya at pagkabigla. Ang kaisa-isang pagka­ka­taon na binibigyan      ng moral damages ang isang kom­panya ay kung ang reputasyon at ma­gan­dang pangalan na   nito ang sinira.

Sa kasong ito, walang katibayan na magpapa­tunay na nasira ang repu­tasyon ng TEC dahil sa mga ginawa ng MERAL­ CO.

(Manila Electric Com­pany vs. T.E.A.M. Electronics Corp. et. Al., G.R. 131723, Dec. 13, 2007).

AYON

MERALCO

SHY

TEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with