^

PSN Opinyon

“Siga ba si Kapitan?!?”

- Tony Calvento -

(Kinalap ni Jezza Balmeo)

PANG-AABUSO ng kapangyarihan. Ito ang madalas na reklamo ng ating mga kababayan sa mga opisyal na inilulok sa posisyon. Hustisya ang nais ng kapatid ni Rodolfo Fernandez o “Rudy” ng Pozorrubio, Pangasinan ng siya ay lumapit sa aming tanggapn. Si Rudy ay namatay umano ha­bang nasa bahay ng kanilang barangay captain kasama ang ilang kagawad at tanod.

Si Rudy ay nakatira sa kanyang mga magulang na sina Rosalia at Marcial Fernandez sa Malokiat, Po­zorrubio, Pangasinan. Ka­sa­ma niya dun ang kanyang asa­wa na si Ursula at dalawang anak. Mabait at masipag si Rudy.

Nobyembre 15, 2002, bandang alas-onse ng gabi ng makatanggap si Antonio “Jun” Ober na asawa ni Elsie ng tawag mula sa kanyang panganay na kapatid nila Elsie na si Adiang Fernandez.

Sinabi nito na patay na ang kaniyang bayaw na si Rudy at ito ay nasa Pozorrubio Community Hospital. Agad niya itong ipinaalam sa kanyang misis. Umuwi sila ng madalian sa Pangasinan.

“Pagdating naming dun nakita ko po ‘yung kata­wan ng kapatid ko na nangingitim na. Punong puno ng sugat at mga pasa ‘yung katawan niya. Hindi po ako makapaniwala sa nakikita ko nung panahon na ‘yun. Wala na po kaming magawa kundi mag-iyakan na lamang sa sinapit niya,” kwento ni Elsie.

Doon ay nalaman niya sa kanyang pinsan na si Eddie Fernandez, na noong Nobyembre 15, 2002, bandang alas-nuebe ng gabi habang umiinom at nakikipagkwen­tuhan sa kanila si Rudy sa tindahan ng kanyang pinsan na si Jaime at tuyuhin ni Rudy na si Arturo ay dumating ang grupo nila  Lorenzo Estarija, Renato Sarmiento, Pablo Saranilla, Felonimo Balelo.

Sinabi umano nilang pinapatawag si Rudy ni Kapitan Eugenio Rollog sa bahay nito dahil meron daw nag­reklamo sa kanya. Sapilitan umano nilang isinama ang nakainom ng si Rudy. Palihim naman itong sinundan ni Eddie sa pag-uutos na rin ng kanyang ama na si Arturo.

Nakarating sila sa  bahay ni Kapitan Rollog. Pagdating sa terrace ay nakita umano ni Eddie na nakaabang na si Kapitan. Nakita umano nitong biglang sinuntok ni Rollog si Rudy habang nakapalibot at nanonood lamang ang mga kasamahan nito sa terrace ng kanyang bahay.

Sa Sinumpaang Salaysay na ibinigay ni Eddie ay nilinaw niya na nung mga panahon na ‘yun siya ay nasa dalawa hanggang tatlong metro ang layo mula sa terrace ng bahay ni Rollog.

Sinabi din niyang may ilaw noon sa terrace kaya naman maliwanag niyang nakita ang pangyayari. Nakita din ni Eddie na dalawang ulit na inuntog ni Rollog si Rudy sa mesa na nasa terrace. Ito umano ang naging dahilan ng pagkawalan malay ni Rudy.

Nakausap namin si Eddie sa aming programa sa radio na ‘Hustisya para sa Lahat’, sinabi nito na matapos iuntog ni Rollog si Rudy at mawalan ng malay ay pinag­tatadyakan pa niya ito. Pagkatapos ay narinig niyang inutusan ni Rollog ang kanyang mga tauhan na igapos si Rudy ngunit ng walang makitang lubid ang mga ito kaya ipinosas na lamang nila ito.

Maya-maya pa ay binitbit nila Saranilla at Sarmiento ang lupaypay nang si Rudy pasakay sa isang trisikel. Ito ay sa pag-uutos din ni Rollog. Ang trisikel ay pag-aari at minaneho ng kinilala niyang Jun Ober.

Matapos ng nasaksihan na pangyayari ay takot na takot na itong tumakbo papunta sa bahay nila Rudy. Doon ay sinabi niya sa mga magulang at asawa ni Rudy ang nangyari.

Hindi nagtagal dumating si dun Ober na siyang nagmaneho ng trisikel na sinakyan nila Rudy. Sinabi nito na dinala daw si Rudy sa Police Station ng Pozorrubio. Agad naman nagtungo dun ang mga magulang ni Rudy gayundin ang misis nitong si Ursula.

Hindi nila inabutan ito dun. Dinala si Rudy sa Pozorrubio Community Hospital dahil wala na itong malay at punong-puno ng sugat ang katawan.

Nagsampa ng kasong Murder laban kina Kapitan Eugenio Rollog, Lorenzo Estarija, Pablo Saranilla Jr, Renato Sarmiento, Felonimo Balelo at iba pa.

Ang kaso ni Rudy ay ilang ulit na dininig sa Prosecution Office ng Pangasinan. Ito ay naisampa sa Regional Trial Court, Branch 46 sa Urdaneta City, Pangasinan.

Matapos ang ilang taon ng paglilitis lumabas ang desisyon kung saan napawalang sala sina Lorenzo, Pablo, at Felonimo.

“Nagtago po si Kapitan Rollog noon tapos nung nalaman po niya na na-dismissed ‘yung kaso nagpakita na siya. Nakikita po siya ng mga kamag-anak namin dun sa Pangasinan na pagala-gala lang,” dagdag pa ni Elsie.

Sa aming pakikipag-usap kay Elsie ay napag-alaman namin na noong umaga ng araw na ‘yun ay mayroon uma­nong  nakasagutan si Rudy na si Marlon Malamanig .

Para matulungan si Elsie ay binigyan namin siya ng referral kay Assistant Prov. Prosecutor Sylvestre Redemptor Ridao ng Urdaneta Pangasinan para matignan naman na hindi basta mababasura ang kaso laban kay Kapitan Rollog.

PARA SA INYONG COMMENTS O REACTIONS maari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y magtext sa 09213263166 o sa 09198972854. Maari din kayong mag-e-mail sa [email protected]

EDDIE

ELSIE

PANGASINAN

ROLLOG

RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with