^

PSN Opinyon

Pagkain sa bawat mesa

- Al G. Pedroche -

MABIBIGAT ang mga alegasyon laban kay Presidente Arroyo. Pero dapat siyang idemanda matapos ang kanyang termino sa 2010 at hindi ngayong Presidente pa siya. There is logic in the immunity from suit provision of the Constitution. Ito’y para hindi masansala ang kritikal na gawain ng Pangulo. At ngayong may sumisingaw na “baho” sa kanyang administrasyon, bayaan nating tapusin ni GMA ang mga gawain niya bilang Pangulo. But this time under the keen eye of all sectors of society para hindi makadiskarte kung may binabalak mang “monkey business.”

Ang layunin ng alinmang administrasyon can be summarized into one phrase: Ang may makain ang bawat tao. Iyan mismo ang programa ni GMA sa pamamahala ng Department of Agriculture. Pagkain sa Bawat Mesa. But we are deep in a political mess. Imbes na pagkain sa bawat mesa, “gutom” sa bawat “mess” ang dinaranas natin.

As of this writing, GMA’s agri czar, Sec. Arthur Yap is set to go to Dubai to sign agreements on the marketing of RP products. Mag-aanyaya rin siya ng mga investors para magnegosyo sa Pilipinas. Papaano maaasahang puma­sok ang mga investors kung ang impresyon sa bansa ay “pugad ng mangungurakot?”  Sabi nga ni King Solomon -”May oras sa lahat ng bagay. Oras ng pagtatanim, oras ng pag-aani. Oras ng pagsilang, oras ng kamatayan.” Maghintay tayo ng tamang oras. Ginusto ni Gloria na mag-presidente, puwes, tapusin niya ang mga bagay na dapat niyang tapusin para sa kapakanan ng bansa. Pero kung talagang nagsamantala siya sa kapangyarihan, ipaghabla siya matapos ang termino niya at pagdusahan ang kan­yang kasalanan.

ARTHUR YAP

BAWAT MESA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DUBAI

KING SOLOMON

PANGULO

PERO

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with