Committee hearing sa panukala ni Jinggoy na magtatag ng OFW hospital
BUKAS (Pebrero 27) ay may naka-iskedyul na committee hearing ang senado tungkol sa panukala ng panganay na anak namin ni President Erap na si Senate President Pro tempore Jinggoy Estrada para magtatag ng OFW hospital.
Ito ay isa sa mga panukalang pinamamadali ni Jinggoy, na siya ring chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.
Layon ng naturang Senate Bill No. 421 na magbigay ng “comprehensive health care service” sa mga OFW na regular contributors sa OWWA, gayundin sa kanilang legal dependents. Ang OFW hospital ay magiging kaagapay ng kasalukuyang Medical Care Program para sa pagbibigay ng “preventive, promotive, diagnostic and rehabilitative programs.” Pinag-aaralan ni Jinggoy ang posibilidad na mabigyan din ng benepisyo ang mga hindi regular OWWA contributors.
Batay pa sa Section 4 ng panukala, ang OFW hospital ang magtitiyak na ang mga manggagawang mag-a-abroad ay “physically and psychologically fit” para sa trabaho sa ibayong-dagat. Malaki ang maitutulong nito upang makaalpas ang mga OFW sa pagsasamantala ng ilang pribadong klinika na naniningil ng mataas na presyo para sa required medical examination ng OFWs.
Inimbitahan para sa committee hearing sina DOLE Secretary Arturo Brion, DOF Sec. Margarito Teves, DOH Sec. Francisco Duque III; DSWD Sec. Esperanza Cabral; OWWA Administrator Marianito Roque; POEA Administrator Rosalinda Baldoz; Ms. Lorna Fajardo ng PhilHealth; Ms. Connie Regalado ng Migrante International; Ms. Ellene Sana ng Center for Migrant Advocacy at Dr. Romeo Encanto ng Philippine Medical Association.
* * *
Para sa mga naghahanap ng serbisyo publiko, maaari kayong lumiham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin ninyo at hindi po matutugunan ang mga solicitation letter.
- Latest
- Trending