^

PSN Opinyon

Kalahating milyon

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KUNG nangangailangan kayo ng tulong pinan-siyal, at may kilala kayo sa administrasyong      Arroyo, malalapitan ninyo siguro si Deputy Executive Secretary Manuel Gaite. Sa kanyang pahayag mismo, ang tulong na ibinigay niya kay Jun Lozada ay “kusang-loob na kawang-gawa niya lamang, sa isang taong nangangailangan ng tulong”. Tuma­wag umano si Lozada sa kanya dalawang araw bago siya bumalik galing Hong Kong at humingi ng tulong. Nakabuo si Gaite ng P500,000 para ibigay sa kapatid ni Lozada. Ang pera ay galing daw sa isang pribadong tao at hindi galing sa pondo ng gobyerno. Ang unang pahayag ni Gaite ay galing daw sa kanya ang pera. Pero nang marami na ang nagtanong kung paano niya mabibigay ang pera sa sahod na nata­tanggap niya, nagbago na ang kuwento. Habang tumatagal, pabagu-bago ang mga salaysay ng mga taga-administrasyon, sagisag ng isang kasinungali­ngang kuwento.

Kaya ang tanong ngayon, sino ang nagpahiram ng kalahating milyon kay Lozada, sa tulong ni Gaite? Ayaw pang sabihin sa ngayon, at sa Sena­ do na lang daw. Ganun na rin talaga ang admi­nistrasyong ito. Nagpamudmod din ng kala­ha-ting milyon sa mga kongresista at gobernador, sa Palasyo mismo! At sinu-sino na lang ang umako sa pagbibigay ng pera. Hanggang ngayon, hindi pa malaman kung saan talaga nanggaling ang pinamudmod na pera. Namatay na rin ang kuwentong iyan dahil sa maraming pangyayari at muling pagkabuhay ng ZTE/NBN scandal. Dahil na rin sa sunud-sunod na eskan­dalo ng adminis­trasyong ito ay nakakalimutan na ang mga nauuna.  Pero ang tanong ng mara­mi: Napuno na kaya ang salop at ngayon ay handa nang balikan ng publiko ang lahat ng naipon na mga hindi nare­solba at napana­gutan na mga anomalyang ito?

Dumarami ang mga tumitindig. At dahil na  nga sa mga kuwento-kuwento ngayon ng pera, may mga gusto na ring tumestigo ukol sa ZTE/NBN at kung ano pang anomalya sa gobyerno kung babayaran na rin sila! Paano naman magiging kapani-paniwala ang mga “testigo” na iyan kung bayaran naman sila? Malakas ang boses ng pera, na tanging wika na tila pinaka-bihasang bigkasin ng administrasyong ito, kung saan marami ang nakikipag-usap. Salapi na lang ang nagtatahi sa luray-luray na moralidad ng gobyernong ito. Hindi nakapagtataka kung     bakit marami pa rin ang kasabay ng Presidente sa kanyang paglalakad sa Malacañang, na tila mga de-susing sundalo. Ma­ganda ang eko­nomiya totoo — sa loob ng Palasyo. Kaya napakadali mamigay ng kala­hating milyon    sa pagkakawanggawa sa sinu­mang nanga­ngailangan — na mga bataan ng mga nasa kapangyarihan.

DEPUTY EXECUTIVE SECRETARY MANUEL GAITE

HONG KONG

JUN LOZADA

KUNG

LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with