‘Sulutan naman ngayon...?’
SA AKIN COLUMN NUNG MIYERKULES, “WOW MALI ANG BANGKO?” tinalakay ko ang decision ni Judge Jesus Mupas ng Regional Trial Court Branch 117 ang kanyang desisyon na inuutusan ang UNITED COCONUT PLANTERS BANK (UCPB) na magbayad ng halos ISANG BIYONG PISO bilang danyos sa E. Guanzon Inc.. Ito ay sa dahilang finor-close ng bangko ang mga assets at properties ng EGI dahil umano sa hindi ito nakabayad ng kanilang mga obligasyon gayung fully paid na daw ito sa obligasyon at pagkakautang.
UCPB committed a breach of contract when it foreclosed some of the properties of EGI at merely 723,592,000. The correct amount of the foreclosed properties is P904,491.052, and it is this amount that must be deemed to have been paid to UCPB when the foreclosure was effected,” ayon kay Judge Mupas.
Dahil dito ay may pananagutan daw ang UCPB “for grossly violating its fiduciary duty” to a borrower. BINANGGIT ko rin ang “personal experience” ko nung parating ang year 2000 o New Millenium kung saan kulang ang inilagay nilang halaga ng aking deposito sa “bank statement” na ibinigay sa akin! Kung nais naman alamin kung totoo nga ito, ang mga pangalan ng mga taong binanggit ko ay nandyan pa at ang ilang sa kanila ay nagtatrabaho sa UCPB.
Sinabi ko rin na kinausap ako ng kanilang South Area Head na si Eduardo Vizcarra. Marami ngang mga “give-aways” ang nairegalo na hindi ko naman hiningi at tinanggap na lamang ang kanilang “sorry” dahil sa kanilang pagkakamali.
Nabasa ko ang insidente sa Pasay City at sa puntong ito nais kong manawagan sa aking mga tagasubaybay dito sa “CALVENTO FILES” na meron kayong deposito sa naturang bangko, walang masamang i-check kung balanse ba ang mga passbooks, saving deposits at kung ano pang mga hawak ninyong mga certificates. Mahirap na, lalu na’t pera n’yong pinaghirapan ang pinag-uusapan. Hindi na dapat pang magkamali ang UCPB dahil ang interest ng kanilang mga depositors ang nakasalalay.
“The business of banking is imbued with public interest….” Sang-ayon na rin sa isang Supreme court ruling “The stability of banks largely depends on the confidence of the people in the honesty and efficiency of the banks.”
Hindi pa natatapos ang aking araw nung Miyerkules, nakatanggap ako ng tawag sa isang matagal ng depositor ng UCPB na isang kilalang tao sa lipunan.
Nirereklamo naman niya ang isang kapamilya ng UCPB.
Ang United Coconut Planters Life. Handa na itong magdemanda at humingi ng malaking danyos sa ginawang umanong “unethical practices” na panunulot ng mga tauhan mula sa kanyang kumpanya. Pinangangakuan diumano ng mas malaking sweldo at benepisyo upang maengganyong lumipat sa kanila.
Masama ang loob ng kliyenteng ito na ilang dekada ng tumatangkilik sa kanila at nagawa pa raw sa kanya ang mga bagay na ito.
Isang empleyado niya daw na mataas ang posisyon sa Fortune Life Insurance Corporation (FLI) ang sinulot umano ng United Coconut Planters Life Assurance Corporation (UCPLAC).
Pinakinggan ko ang kanyang kwento at sinabi niya sa akin na ang kanyang presidente na si Armando Trinidad ay niyaya nitong si Atty Alfredo Tumacder, Presidente UCPLAC “to wine, dine and talk” ika nga. Inakala nitong si
Nagulat na lamang daw ito ng inofferan siya ng malaking halaga para lumipat. Tinanong naman nitong kausap ko kung bakit humatong sa ganun ang usapan? “I just wanted to find out how much I am worth…” ang sagot sa kanya ni
Nanatili si
Si Elpidio Pino, Senior Vice President for Marketting and Sales ng Fortune Life naman daw ang sinulot ng UCPLAC.
“Akala namin na kaya gusto nitong si Pino na bumalik sa
Hindi nagtagal at nalaman na lamang daw nilang nasa UCPLAC na itong si Pino. Nagalit siya dahil ito raw ay maliwanag na panunulot na mahigpit na ipinagbabawal ayon sa mga nakapaloob na circular na sinusunod ng mga bankero at insurance corporations.
Sinulatan na nila ang pamunuan ng UCPLAC at kapag hindi tumupad sa loob ng sampung araw ay mapipilitan silang magsampa ng reklamo sa tamang lugar. Narito ang liham ng FLI sa UCPLAC.
UNITED COCONUT PLANTERS LIFE ASSURANCE CORP.
ATTY. ALFREDO C. TUMACDER (President) and Mr. ELPIDIO PINO
GENTLEMEN:
Fortune life insurance Co., Inc, our client, in whose behalf we write this letter complaint pursuant to the following:
That early this year our client came to know that your company has appointed Mr. Elpidio Pino as Vice president of Cocolife for Visayas and Mindanao Region without notifying our client. For your information Mr. Pino was Fortune life’s Senior Vice President for Marketing and Sales since June 2004 who requested to be retired by the end of 2007 at age 62 with the understanding that upon retirement, he will join the sales force as general agent (GA) of the agencies of his son and brother under his fold which apparently he did not do.
We would like to point out that your appointment of Mr. Pino violated CIRCULAR LETTER NO. 6-2002 and the PLIA JD Circular No. 2002-03 on unfair and predatory recruitments of employees with rank equivalent of Department head and agency reads “… without prejudice to other remedial actions available to the aggrieved company under existing laws and regulations.
The afore-narrated facts clearly indicate a BETRAYAL OF TRUST and FLI is deeply aggrieved.
In view thereof we demand that you rectify this glaring violation of the circulars mentioned WITHIN TEN (10) DAYS from recipt hereof, if no reply or satisfactory answer we shall be constrained to take all appropriate legal remedies to protect our client’s interest.
We trust you will give this matter your preferential attention.
LUMIPAS na ang sampung araw at sinabi sa ng aking kausap na sasampahan nila ng reklamo ang UCPLAC. Sigurado kong malaking danyos ang kanilang hihingin. Nakakatakot isipin ang problemang ito. Isang bilyong piso ang pinababayad ng korte sa EGI, ngayon magkano kaya naman para sa Fortune Life Insurance? Hindi pa rin yata nakukuha ang perang ipinapabalik sa mga maliit na coconut farmers ng Korte Suprema. Ano na kaya ang mangyayari? Alamin kaya natin? Mula sa “WOW
PARA SA ISANG PATAS AT BALANSENG pamamahayag iniimbitahan ko rin ang mga officials ng UCPB na magbigay ng kanilang panig tungkol sa isyung ito.
PARA sa inyong mga COMMENTS O REACTIONS, maari kayong magtext sa 09213263166 0 091989728954. Maari din kayong tumawag sa 6387285.
- Latest
- Trending