^

PSN Opinyon

Maraming kikita sa ZTE deal

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

PINALALABAS ngayon na masamang tao at nagpapagamit lamang sa mga kalaban ni President Arroyo si Rodolfo Lozada. Nakikita ito na hindi lamang paninira sa kredibilidad ni Lozada ang magaganap kundi baka malagay sa panganib ang buhay ng NBN-ZTE star witness.

Ganoon man marami ang umaalalay kay Lozada. Karamihan ay mga madre at pari (La Salle Brothers) na unang nagbigay proteksiyon sa kanya. Ang Makati Business Club ay isa sa mga sumusuporta kay Lozada. May mga grupo rin mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Pati mga Pilipino sa US at iba’t ibang parte ng mundo ay nagpahayag din ng kanilang pagsuporta kay Lozada.

Sa isang survey, mahigit 80 percent ng mga Pilipino ay naniniwala sa mga sinasabi ni Lozada tungkol sa NBN-ZTE at pati ang diumano’y overpricing at komisyon ng mga opisyal ng gobyerno.

Ang paniwala ko, hindi lamang si dating Comelec chairman Ben Abalos ang malaki ang kikitain sa project kundi pati na si GMA, FG Mike, businessman Ricky Razon, dating NEDA at ngayo’y CHEd chairman Romulo Neri at mismong si Lozada.

Paniwala ko rin, nagkaroon din ng ma­gandang usapan si Lozada at Joey de Venecia. Palagay ko, mas malaki ang mapakikinabang ni Lozada kung si Joey ang makakakuha ng NBN project.

Pero nagbago ang lahat at nagdesisyon si Lozada na gawin ang pagbubulgar na ngayon ay tinututukan sa Senado.

ANG MAKATI BUSINESS CLUB

BEN ABALOS

LA SALLE BROTHERS

LOZADA

PILIPINO

PRESIDENT ARROYO

RICKY RAZON

RODOLFO LOZADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with