^

PSN Opinyon

Bagong paglala ng HIV/AIDS

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

BASE sa AIDS Epidemic Update ng United Nations Programme on HIV/AIDS at World Health Organization, 2.5 milyong katao noong 2007 ang nagka-HIV/AIDS sa buong mundo. Halos 20 milyon na umano ang namatay sa mga kumplikasyon nito mula nang matuklasan ang sakit noong dekada ‘80.

Ayon kay Conrado S. Navarro ng NGO na HIV/AIDS Prevention Project-Philippine Rural Reconstruction Movement (HAPP-PRRM), umabot na sa 307 Pilipino ang namatay sa mga kumplikasyon ng HIV/AIDS mula 1984.

Sa ulat ng Philippine National AIDS Registry, may 2,965 cases nito sa bansa, pero sabi ng DOH, maaaring 30,000 Pilipino ang may sakit nito, bagama’t hindi nila alam dahil hindi pa sila na-diagnose.

Sabi ni Navarro, 74 porsyento ng mga may HIV/AIDS ay hindi kinakitaan agad ng simptomas, at nalaman na lang nila nang ito ay malala na. Ang HIV virus aniya ay naisa­salin sa body fluids, sa pamamagitan ng heterosexual and homosexual contact, blood transfusion, needle prick injuries, intravenous drug use, at mula sa ina papunta sa anak. Malakas magsalin ng virus ang un­protected sexual intercourse, palit-lipat ng sex partners at paggamit ng karayom na ginamit ng iba.

Dagdag niya, maiiwasan ang HIV/AIDS sa pama­ma­gitan ng ABCDE steps: A – Abstinence from unsafe sex; B – Be faithful to your partner; C – Condom; D – don’t use drugs; at E – Education.

Ang HAPP-PRRM, sa partnership ng UNICEF, ay may mga programa sa Pasay City, Manila, Quezon City at Daet, Camarines Norte. Makokontak sila sa PRRM Bldg., Mother Ignacia cor. Sct. Magbanua Streets, Quezon City, telepono 3712107.

AIDS

CAMARINES NORTE

CITY

CONRADO S

EPIDEMIC UPDATE

HIV

PLACE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with