^

PSN Opinyon

Losing Battles

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Mainit na salubong ang binigay ng Lungsod ng Maynila kay Secretary of Defense Gilberto C. Teodoro, Jr., pa­nauhing pandangal sa ginanap na commemmoration ng Battle for Manila sa City Hall.

Ginunita ni Mayor Fred Lim ang mga sundalo at ang mga magiting na mamamayan ng lungsod na nagbuwis ng buhay sa ngalan ng kalayaan. Ang paniwala sa Europa ay ang Warsaw, Poland ang pinakanasalaulang lungsod nung World War II. Nilinaw ni Mayor na kung ihambing sa nangyari sa Maynila ay mapapahiya ang Warsaw. Sa isang 30 day period lamang aniya, mahigit 100,000 na Manilenyo ang pinatay. Karamihan dito’y bata, babae at matatanda. Translation: Mahigit 3,333 kada araw ang nabayani. Nabawi man ang Maynila, malinaw namang lahat tayo ay natalo sa giyerang ito. Pinarangalan ni Mayor at ng Kon­seho ang sakripisyo ng mga bayani ng Maynila sa pama­magitan ng marker mismo sa “Freedom Triangle” ng City Hall na nakasilong sa anino ng higanteng bandilang nag­wawagayway.

Sa City Hall, sa Luneta, sa Kawit – saan mang sangay ng Pamahalaan na may bandilang nakalugay, magugunita natin ang kanilang sakripisyo at itoy pinahahalagahan. Sayang nga lang na kung saan pa mahahanap ang pina­kamalaking bandila sa Pilipinas - sa Batasang Pam­bansa – ay doon pa masasalaula ang kanilang alaala. Salaula dahil kung ano pa itong tinuring na saligan ng ating mga kalayaan – ang sangay na pinakamalapit sa tao dahil pawang mga kinatawan ng mamamayan ang dito’y naninilbihan, ay siya pa ang magiging halimbawa ng pang-abuso ng kalayaan.

Wala sa ulirat ng tao ang mga personalidad na sangkot sa rigodon sa Kongreso. Tanggap ng tao na kung sino ang may bilang ang siyang uupo. May karangalan din naman kahit papaano ang ganitong sistema. Subalit kapag umalingasaw, tulad nung Lunes, ang tunay na dahilan ng pagpalit liderato – at ito’y ang vendetta o paghihiganti – mahirap itong tanggapin na sapat na pamantayan. Dahil paniwala pa rin ang tao na ang kalayaang makapamili ng sariling mga pinuno – kalayaang pinagbuwisan  ng dugo ng ating mga bayani – ay napakamaha­laga upang sayangin lamang sa mga makasariling dahilan. May magwagi man sa Kongreso, suma total ay lahat pa rin tayo’y talo.

BATASANG PAM

CITY

CITY HALL

FREEDOM TRIANGLE

KONGRESO

MAYNILA

MAYOR FRED LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with