^

PSN Opinyon

Paging, General Padilla, NBI at CIDG

ORA MSIMO - Butch M. Quejada -

NAGTATAKA ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit walang aksyon para patigilin ng National Bureau of Investigation,  PNP Criminal Investigation and Detection Group at ni Region 4-A Director Ricardo Padilla ang jueteng operations nina Tony Santos, sa Rizal province at CAMANAVA, Ebeng at Gani Cupcupin sa Cavite at Totoy Jaruta sa Laguna gayon pinagkakalat ng mga ito na may intelihensiyang ibinibigay ang mga kamote sa mga nasabing agency ng government of the Republic of the Philippines.

Totoo kayang tumatanggap sila?

Tiyak sila lang ang nakakaalam nito.

Natatandaan ng mga kuwago ng ORA MISMO, binulabog at pinahuli ni Padilla ang jueteng operation sa Batangas kaya mabilis na nagsitiklop ang mga bangka dito at nilayasan ang nasabing pro­ vince.

Sabi nga, tigil!

Ganito General Padilla, ang inaasahan ng madlang people sa dayaan bolahan nina Totoy Jaruta sa Laguna, Ebeng at Gani Cupcupin sa Cavite at Tony Santos sa Rizal.

Hihintayin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang aksyon ng NBI at ng PNP-CIDG sa operasyon ng jueteng ni Tony Santos sa CAMANAVA dahil napatigil ng mga ahensiyang nabanggit ang jueteng sa Muntinlupa ng salakayin nila sa magkakahiwalay na araw ang dayaan bolahan dito at sangkatutak lang nahuli.

Kumita ang gobierno sa bawat jueteng personero na nahuli porke nag-piano este mali nag-piansa pala sila ng kulang-kulang sa P20,000 each.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Pinamamalita ng grupo ng mga kamoteng jueteng lords na mayroon grasiyang pinararating  ang grupo nina Ebeng at Gani Cupcupin ng Cavite, Tony Santos sa Rizal at CAMANAVA at Totoy Jaruta ng Laguna sa mga Mayor, konsehales, Barangay, Congressmen,  PNP Provincial Commanders at mga Station Commanders na pinayagan para magpasugal ng jueteng.

Ano kaya ang masasabi ng mga barangay tanod tungkol dito?

Bukol ba kayo?

Ang mga pulis, Barangay tanod, mga kon­ sehales, Congressmen na hindi naaanggihan ng grasiya nina Totoy Jaruta ng Laguna, Ebeng at Gani Cupcupin ng Cavite at Tony Santos ng Rizal at CAMANAVA ay puedeng tumawag sa cell phones ng mga tagapamagitan ng mga nasabing gambling lord.

Hintayin lamang ninyo ang mga numero ng kanilang mga telephono  para matawagan at itanong kung bakit hindi kayo kasali sa ganansiya nina Ebeng at Gani Cupcupin ng Cavite, Totoy Jaruta ng Laguna at Tony Santos ng Rizal at CAMANAVA.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka ang ganansiya ay hindi ipinararating ng mga kamote sa mga maliliit.

Ika nga, problema talaga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinipilit ng grupo ni Tony Santos ng Rizal at CAMANAVA sa pangunguna ng trusted man nito na si Dindo na makuha ang Southern Metro para gumanda daw ang kita ng mga nakatiembre sa kanila.

‘Madaldal pala si Dindo at magulang’ anang kuwagong talunan sa sugal.

‘Katiwala ni Tony Santos ito kaya may sariling diskarte’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Salakayin kaya ng NBI at CIDG ang mga lugar ng mga jueteng lords sa itaas?’ tanong ng kuwagong naka-tiembre.

‘Paano si General Padilla pahintuin niya kaya ang mga kamote sa kanyang jurisdiction?’

‘Mga kamote ito ang abangan natin’

‘Kailan?’

‘Iyan ang itanong natin sa kanila’

‘Naniniwala ka ba pati NBI at CIDG kasama todits?’

‘Kung wala silang aksyon tiyak paniniwalaan’

‘Kung may aksyon?’

CAVITE

GANI CUPCUPIN

RIZAL

TONY SANTOS

TOTOY JARUTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with