^

PSN Opinyon

Rainbow ‘collision’

- Al G. Pedroche -

HONESTLY bilib ako kay House Speaker Jose de Venecia. Hindi biro ang limang termino niya bilang lider ng Kamara de Representante. Marunong siyang mag­maneho ng kowalisyon. Kapag narinig natin ang “rainbow coalition” siya agad ang nasok sa ating isip.

Ang ibig sabihin ng coalition ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang partido sa Kongreso para suportahan ang liderato ni de Venecia. Ang coalition ay nagiging collision. Tila may “gapangan” nang nangyayari upang matuloy na ang pagpapatalsik kay de Venecia. Ang nasa likod umano sa ouster move ay ang dalawang Kongresistang anak ng Pangulo na sina Mikey at Dato kasama pa rin ang presidential brod-in-law na si Iggy Arroyo. Matindi!

Mabilis daw na nagkakalasan sa coalition ang mga partidong dating sumusuporta sa kanya sa layuning siya ay patalsikin. At ang maugong na ipapalit sa kanya ay si Rep. Prospero Nograles. May apat na partidong saklaw ng coalition ang diumano’y nagluluto ng isang kudeta at sinisigurong “bilang na ang araw” ni “Sunshine Joe” (bansag kay de Venecia).

Kampante pa rin si de Venecia.  Aniya, si Presidente Arroyo mismo ang gustong manatili  ang status quo sa Kamara de Representante.  Nangako raw ang Pangulo kay de Venecia na “kakausapin” ang dalawang anak para mahimok na panatilihin ang liderato sa Kamara. May mga larawan at TV footage na naglabasan kasama sina de Venecia, ang Pangulo at si dating Presidente Fidel Ramos. Pero kapansin-pansin na walang bakas ng sinseridad ang anyo ni Presidente Arroyo na ibig niyang manatili pa sa puwesto si de Venecia.

Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, tila malalim pa ang sugat na nilikha ng ZTE broadband deal na ibinulgar nung isang taon ng anak ni de Venecia na si Joey na nagbigay ng panibagong batik sa reputasyon ng Pangulo at ni First Gent Mike Arroyo. Kung ano ang ginawa ng anak, pati tatay ay nabubukulan. Iyan ang masagwang epekto ng pulitika. Ang mga personal na hidwaan ay nakakaapekto sa ope­rasyon ng buong pa­ma­halaan. Ano ang susunod na mangya­yari? Sabi nga ng paborito kong former President – “Abangan!”

FIRST GENT MIKE ARROYO

HOUSE SPEAKER JOSE

IGGY ARROYO

KAMARA

MANG GUSTIN

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE FIDEL RAMOS

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with