^

PSN Opinyon

‘Babae tinubo sa ulo’

- Tony Calvento -

BAGO ANG KASO ngayong araw na ito, nais naming ibalita na lumabas na ang information nung Martes pa galing sa Cainta Pro­se­cution office, sa pamumuno ng kanilang Rizal Provincial Prosecutor Edgardo Bautista tungkol sa kaso na inilapit sa amin ni Kibbari Gappal laban sa taong bumaril at nang holdap sa kanya na si Jerry Yubal. Ang kasong ito ay nung September 2007 pa naisampa sa prosecution office at sa tulong ni Pros. Bautista naging mabilis ang aksyon nitong mga nakaraang araw. Nagpapasalamat kami dito sa “CALVENTO FILES” at sa Hustisya para sa Lahat sa tulong ni Prosecutor Bautista ng Rizal. Pinirmahan niya ang information na merong “probable cause” para maisampa ang kaso. Bail is set at P200,000. Nais din naming pasalamatan si Sol Puzon para sa kanyang assistance.      

ANG MGA BABAE minamahal. Nirerespeto. Ano nga ulit ang tawag sa mga lalakeng pumapatol sa babae at nanakit sa kanila? Ito ay kaso ng pananakit diumano ng isang lalake laban sa kanyang babaeng kapit bahay.

Inilapit sa aming tanggapan ni Nestylyne Garcero ng Antipolo City.

Nagsimula ang lahat nang unang magreklamo si Nestylyne laban sa suspek na si Joseph Canon, 27 taong gulang at kapitbahay lang din nila. Inireklamo niya ito sa kasong Child Abuse matapos nitong sintukin ang pisngi ng kanyang isang taong gulang na anak na noon ay karga niya. Ika-22 ng Hulyo 2007 nang maganap ang insidente. Sa pangyayaring ito nagpunta sila ng Antipolo Police Station upang magsampa ng kaukulang reklamo laban kay Joseph subalit hinahanapan pa sila ng certificate to file action mula sa kanilang barangay.

Nagpunta ng barangay si Nestylyne upang isangguni ang nangyari sa kanyang anak. Nawalan na rin siya ng interes na ipagpatuloy ang kaso dahil hindi naman sila nabigyan ng certificate to file action ni Barangay Captain Renato Boy Beltran dahil sa kanilang palagay ay pinapaikot-ikot sila upang hindi masampahan ng kaso si Joseph.

Hindi naman tumigil si Joseph sa pagpaparinig sa kanya ng mga masasakit na salita sa tuwing nag-iisa siya. Madalas na wala ang kanyang asawa na si Eduardo dahil nagtatrabaho ito. Ayon kay Nestylyne, madalas siyang makarinig ng masasakit na salita tulad ng ‘POKPOK! P*T%!’ subalit hindi na lamang niya ito pina­pansin upang huwag nang lumaki ang gulo.

“Kung minsan nadedestino sa ibang lugar ang asawa ko kaya hindi ko agad nasasabi sa kanya ang mga ginagawa sa akin ni Joseph. Pero kapag kasama ko siya hindi naman nito nagagawang magsalita ng kung anu-ano. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nagawa namin sa kanya at ayaw niya kong tigilan,” paliwanag ni Nestylyne.

Ika-8 ng Enero 2008 bandang alas-12:30 ng tanghali sa gate ng Beverly Hills Subdivision, Antipolo City naganap ang insidente. Kasama nito ang kanyang anak na naglalakad pauwi sa kanilang bahay nang makita ni Nestylyne si Joseph na sakay ng tricycle nito. Tinapatan sila nito at sinabihan ng “P@#A %& MO! PAPATAYIN KITA!”. Pagkaraan noon ay kinuha na nito ang tubo na dala sabay palo ng suspek sa ulo ng biktima.

Nagsisigaw si Nestylyne upang humingi ng tulong subalit muli siyang nilapitan nito at pagkatapos ay sa kaliwang  braso naman siya hinampas ng  tubo na naging sanhi  ng pagkabali ng kanyang buto. Samantala nang makita ni Joseph na duguan ang kanyang ulo saka pa lamang siya tinigilan nito at mabilis  na nilisan ang lugar dala ang kanyang tricycle.

Pinilit ni Nestylyne na makuwi ng bahay upang humingi ng tulong hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. Agad naman siyang dinala sa Community Hospital upang malapatan ng karampatang lunas ang tinamo niyang sugat mula sa pagkakapalo ni Joseph. Humingi ng tulong sa barangay hall ng Beverly ang ama ni Nestylyne na si Nestor Pogosa Sr.

Nagsampa ng kasong Serious Physical Injuries si Nestylyne laban kay Joseph sa Antipolo Police Station. Sinubukan ng mga pulis na puntahan ang bahay ng suspek upang arestuhin subalit nagtago na ang suspek.

Bumalik na lamang sila sa presinto subalit pagkaraan ng ilang sandali kasunod na nila ang kanilang barangay captain na si Renato Boy Beltran. Kasama na nito si Joseph upang isuko ito. Di-umano narinig ni Nestylyne na gustong arborin ng kapitan ang kaso ni Joseph kaya naman sinabi niya dito tignan ang nangyari sa kanya. Wala siyang balak na makipag-areglo sakali mang mag-alok ang kampo ng suspek. Hindi naman daw nakakibo ang kapitan sa sinabi niya. 

Ininquest ang suspek subalit ayon kay Nestylyne Slight Physical Injuries lamang ang inirekomendang kaso ni Asst. City Prosecutor Edgar Namia ng Antipolo Prosecutor’s Office dahil sinabihan sila nito na kailangan nilang makuha ang resulta ng medical report na isinagawa ng Orthopedics. Binigyan sila ng hanggang alas-5 ng hapon noong ika-9 ng Enero 2008 upang isumite ang resulta subalit kinabukasan ng umaga na lamang nila ito nadala. Hindi umabot sa takdang oras kaya naman bumaba ang kaso.

“Hindi po naming matanggap na ganoong kaso lamang ang maisasampa kay Joseph. Masyado po akong dehado. Pinilit naming makuha agad ang resulta subalit ginabi na kami at hindi na nakaabot pa,” pahayag ni Nestylyne.

Sinabi pa ni Nestylyne na hindi niya hahayaang ganoon lang ang magiging kaso ni Joseph kaya naman humingi sila ng tulong sa aming tanggapan upang malaman kung ano ang kanilang dapat gawin. Nakalaya rin ang suspek matapos nitong makapagpiyansa. Samantala ikinuwento din ni Nestylyne na kinagabihan, bandang alas-11 ng gabi nagpapahinga na sila noon nang magising sila dahil sa sunud-sunod na pambabato sa bahay nila. Nakita nila na pawang mga kamag-anakan ni Joseph ang may gawa ng pam­babato sa kanila. Pilit na naghahamon ng away at pinagmumura din sila nito. Nagalit ang mga ito dahil sa nangyaring pagkakakulong ni Joseph. Hindi na nila pinansin ang panggugulong ginawa ng mga ito subalit nakuha pa silang ireklamo ng mga kamag-anak ni Joseph.

“Sila na nga ang nanggulo sa amin kami pa ang nakuha nilang ireklamo at madalas pa akong pagsalitaan ng suspek na mababale-wala lang daw ang kaso kaya humihingi ako ng tulong sa inyo,” pagwawakas ni Nestylyne.

Nangako ang aming tanggapan na bibigyan sila ng legal assistance para makuha ni Nestylyne ang hustisya na hinahanap niya!

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 0921­ 3263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

 

ANTIPOLO POLICE STATION

JOSEPH

KASO

NESTYLYNE

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with