^

PSN Opinyon

Pakikialam ng mga banyaga

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Unang Bahagi)

MALINAW na ang lahat. Aktibong nakikialam ang mga banyaga, maging gobyerno man ito o mga pribadong grupo, upang mapababa ang lumalaking populasyon ng Pilipinas. Diumano, ang  dumadaming bilang ng tao ang sanhi ng kahirapan sa bansa. Ang pamahalaang lokal ang pinupuntirya nila upang magpasa ng mga batas sa Kongreso o di kaya ay mga ordinansa sa mga munisipyo o bayan tungkol sa isyung ito. Pinaganda pa ang mga salitang ginagamit upang maging katanggap-tanggap sa ating Saligang Batas. Kunwari ay layunin nito na maibsan ang kahirapan, pangalagaan ang mga kababaihan at kabataan, at magbigay-linaw sa tinatawag nating “reproductive health”. Naunang nagpasa ang konseho ng Olo­ngapo City ng ordinansa tungkol sa nasabing paksa. Sumunod, nagkalakas-loob na sila upang puntiryahin ang Quezon City, ang tinuturing na pinakamalaking siyudad sa bansa. Isa sa mga konsehal ng distrito, si Joseph Juico, ang nagmungkahi ng ordinansang tinawag na “Population and Reproductive Health Management Policy”.   Naging lubhang agresibo na nga ang mga propagandang ginagamit ng mga banyagang grupo upang mag-pasa ng mga ordinansang tulad nito.

Nang tangkaing ipaliwanag ng simbahang Katoliko sa pamamagitan ni Obispo Honesto Ongtioco ng Cubao ang mga di kanais-nais na aspetong kaakibat ng nasa­bing ordinansa, lalo at tungkol sa pananampalataya at mora­lidad, binatikos siya ng aking kasamahang si Jarius Bondoc. Ayon sa kanya, malaki raw ang ipinagkaiba ng binasa ni Ongtioco at ang tunay na nilalaman ng ipina­pasang batas o ang tinatawag nating “bill”. Tama siya sa paggamit ng ter­minong ito. Talagang dati pa naman ay isinusumite na sa Kongre­so ang nasa­bing bill ngunit hindi nga ito maipasa dahil sa mga ka­samaang inisa-isang ilara­wan ni Obispo Ongtioco.

Tunay nga na malaki  ang agwat ng minumung­kahing ordinansa at ng bi­nasa ng Obispo. Ang unang layunin ng ordinansa ay ang maibsan ang kahira­pan na diumano ay dulot ng lumalaking popu­lasyon ng Pilipinas. Ngunit ang totoo, hindi ang dami ng mga ipi­napanganak ang sanhi nang lumalaking bilang ng tao sa Quezon City kundi ang pagdagsa ng mga tao sa lungsod na nag­mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Katuna­yan, sa pangkalaha­tan, bu­maba mula 2.96% noong 2001 hanggang 1.764% noong 2007 ang tinatawag nating “population growth rate”. (Itutuloy)

CITY

JARIUS BONDOC

JOSEPH JUICO

OBISPO HONESTO ONGTIOCO

PILIPINAS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with